Tumagal lang ng pitong minuto ang budget briefing ng Office of the President.
Kasunod ng pag-mosyon ni majority leader mannix dalipe na i-terminate ang budget briefing bilang kortesiya sa ehekutibo na co-equal branch.
Kabuuang P9.031 billion pesos ang panukalang budget ng OP para sa susunod na taon.
Malaking bahagi ng budget ng tanggapan ng pangulo ay para sa Maintenance and other operating expenses o MOOE na nagkakahalaga ng P6.87B.
P1.56B naman ang inilaan para sa Personal Services hababng P590 million ang para sa Capital Outlay.
Tumaas ang personnel services dahil sa increase sa premium contribution sa Philhealth, pagpapatupad ng Salary Standardization Law at pagpuno sa mga bakanteng planitlla position.
Nagkaroon din ng increase sa MOOE dahil para sa travel expenses dahil sa unti-unting pagbubukas ng travel restrictions.
Sa panig naman ng OP, ipinaabot ni Executive Sec. Vic Rodriguez ang pasasalamat sa suprota ng mga mambabatas.
Asahan aniya na kaisa sila sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga Pilipino at nation building.
“And in line with the expressed instruction of his excellency president Ferdinand Romualdez marcos jr. you can be assure that the office of the president is here together with you, your honors in meeting the expectations and the hopes of the more than 112 million filipinos which the president now leads founded on a solid foundation of 31.5 million votes more or less in promoting the people’s welfare and upholding the interest of the nation. We are one with you in nation building, maraming salamat po.” Saad ni ES Rodriguez.
No comments:
Post a Comment