Hindi mag lalabas ng import permit ang Dept of Agriculture para sa sibuyas ayon kay agriculture Asec. Kristine Evangelista.
Ayon sa opisyal hindi magkakaroon ng importation ng sibuyas lalo na sa panahon ng harvest season sa disyembre, kahit pa mas mababa ang kanilang magiging ani.
Tuloy-tuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga magsasaka ng sibuyas lalo at may alinlangan sila na magtanim pa dahil sa posibleng pag-baha ng imported onions sa merkado.
Kinakausap na rin aniya nila ang mga institutional buyer stulad ngm ga hotels at restaurants na imbes na putting sibuyas at ang locally produced red onions na ang bilhin.
Idinadahilan kasi ng ilan para sa isinsusulong na onion importation ay mas pinipili ng mga institutional buyers ang puting sibuyas.
Pinaiigting din aniya nila ang ugnayan sa iba pang government agencies tulad ng bureau of customs at dept of trade and industry para sa mga smuggled na sibuyas.
Tinukoy ni evangelist ana kadalasan, idinedeklara ito bilang processed food ngunit oras na sumailalim sa inspection ang kargamento ay putting sibuyas pala ito.
No comments:
Post a Comment