Walang nakikitang rice shortage ang Department of Agriculture hanggang matapos ang taon.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa briefing sa House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Congressman Mark Enverga.
Sa report sa Kamara, sinabi ni de Mesa, sapat ang ating ending stock ng bigas na nasa 1.72 million metric tons at tatagal ng 46 days.
Pero sabi ni de Mesa, nakabantay din ang DA sa posibleng pagtaas sa presyo ng imported rice.
Nakabantay ang Department of Agriculture sa posibleng pagtaas sa presyo ng imported na bigas dahil sa sitwasyon sa China.
May posibilidad na mamakyaw at mag-import ng maraming bigas ang China mula sa mga bansa na pinagkukunan din natin ng imported rice.
Inirekuminda naman Congresswoman Gerville Luistro ang pagdaraos ng Agriculture caravan para magkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang ani.
Sa rekumindasyon ni Luistro, makatutulong din ito para ma-double check ang data ng mga lehitimong magsasaka at mangingisda at marepaso ang mga benepisyo kung ito ay nakararating sa kanila.
No comments:
Post a Comment