Umaabot sa 23.041 billion pesos ang proposed budget ng department of environment and natural resource.
Nabawasan ito ng P2.4 billion mula sa 2022 general approproations act .
Ang annual average budget ng kagawaran ay nasa 23.7 billion pesos.
Bagaman nabawasan ang budget para sa susunod na taon.. ito ay paghahatihatian ng denr at anim na attached agencies.
Samantala..
Sinabi ni environment secretary Antonia Yulo-Loyzaga layon ng kagawaran na mag invest sa scientific system and risk based approach para sa environment integrated management at natural resources sustainable utilization.
Anya ang mga plano at programa ng DENR ay critical para sa pagkamit ng 8-pt agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at serbisyo sa bayan.
Nangako ito sa mga mambabatas na kukunsultahin ang lahat ng stakeholders at at iaayon ang mga programa at proyekto ng kanyang ahensya sa mga current, emerging and practical technologies.
No comments:
Post a Comment