Ipinahayag ngayon ni ouse Deputy Majority Leader Janet Garin na dapat nang mamagitan ng malacanang sa pagitan ng mga anti at pro-vaxxers.
Ginawa ni Garin ang pahayag matapos makumbinsi ng mga anti-vaxxers ang CHED na tanggalin na ang vaccination requirement sa mga estudyante at teaching personnel sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay Garin, isang matatag na lobby group ang anti-vaxxers laban sa covid 19 vaccination.
Naniniwala ang lady solon na hati ang hangarin ng opisyal ng gobierno na protektahan ang publiko laban sa covid 19 o ang kanilang sarili laban sa mga banta ng pagsasampa ng kaso ng mga kontra sa vaccination.
Giit ng Iloilo lawmaker, nakasalalay na kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang proteksyon ng mga opisyal ng gobierno upang gawin ang kanilang trabaho.
Anya, dahil sa desisyon ng CHED, malalagay sa panganib ang teaching personnel na meron nang mga health issues at comorbidity.
No comments:
Post a Comment