Tuesday, August 30, 2022

REFUND NG MGA NAKOLEKTA SA MOTORISTANG LUMABAG SA NCAP, HINILING SA KAMARA

Dapat ibalik ang mga multang nakolekta sa mga motoristang lumabag sa no contact apprehension policy o NCAP.


Ito ang iginiit ni Congressman Mikee Romero ng 1-Pacman Partylist matapos maglabas ng temporary restraining order ang korte suprema laban sa implementasyon ng NCAP.


Ayon kay Romero, malaki ang kinita ng mga local government unit at metro manila development authority  sa mga traffic violator gamit ang polisiya ng NCAP.


Pangunahing inirereklamo ng mga motorista ang nakalilitong polisiya at iba-ibang halaga ng multa na ipinapataw ng mga LGU.


Pinasalamatan naman ni Bonifacio Bosita ng 1Rider Partylist ang mabilis na aksiyon ng Korte Suprema at sa pagtugon sa mga reklamong idinulog ng mga motorista.


Dapat din anyang ayusin ang mga maling sistema na nagpapahirap sa mga motorista sakaling muling ipatupad ang NCAP.

No comments:

Post a Comment