Nakabantay ang Department of Agriculture sa posibleng pagtaas sa presyo ng imported na bigas.
Sa briefing ng ahensya sa House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa supply at estado ng ilang agricultural products, natanong ni Quezon Rep. Mark Enverga, chair na komite, kung paano pinaghahandaan ng ahensya ang posibleng rice shortage dahil sa kinahaharap na tag-tuyot.
Ayon kay Agriculture Asec. Arnel De Mesa, naka monitor sila sa sitwasyon ng China dahil posibleng magkaroon ng pagtaas sa presyo ng imported na bigas dahil posibleng mamakyaw at mag import ng maraming bigas ang China mula sa mga bansang pinagkukunan din natin ng bigas tuald ng Vietnam.
Ngunit pagtitiyak naman ni De Mesa na sasapat ang ending stock ng bansa ng bigas na nasa 1.72 million metric tons at tatagal aniya ng 46 days kaya’t wala silang nakikitang rice shortage.
Samantala pag-dating sa pork supply, inaasahan ang 388.861 metric tons mula sa local production sa 4th quarter at 58,355 MT na ending stock supply na tatagal ng 12 araw.
Ang isda naman, inaasahang magkapagaambag ng .942 million metric tons sa quarter 4 o katumbas ng .118 million metric tons ng surplus.
No comments:
Post a Comment