Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na ibalik ang nasa P22 Billion proposed budget ng Mindanao na natapyas sa panukalang 2023 national budget.
Kasunod ito ng pagpuna ng mambabatas sa pagbaba ng inilaang pondo para sa Mindanao region mula sa P650 billion ngayong taon patungong P628 billion na lamang para sa susunod na taon.
Diin ni Rodriguez, hindi na maaaring mapagiwanan pa muli ang Mindanao region,
Kung hindi man aniya maitaas ang pondo para sa rehiyon ay i-maintain aniya ito sa 2022 budget level.
Paalala pa ng kongresista na dapat pa ngang makakuha ng dagdag na pondo ang Mindanao matapos maitala sa 2020 Census na umabot na sa 26.3 million ang residente nito.
Bukod pa ito s 17% ng taunang output ng products at services ng bansa ay mula Mindanao.
Kumpiyansa naman si Rodriguez na makakakuha ng suporta ang kanyang panawagan sa Senado lalo na mula sa Mindanao senators na sina Senate President Migz Zubiri, Sen. Koko Pimentel at muslim convert Sen. Robin Padilla.
No comments:
Post a Comment