Idinulog ni 1-Rider PL Rep. Bonifacio Bosita sa DILG ang pangungumpiska ng mga LGU sa lisensya ng mga motoristang lumabag sa batas trapiko.
Tinukoy ni Bosita nabatay sa Land Transportation and Traffic Code of the Philippines (RA 4136) partikular ang section 3.4 ang mga LGU ay maaaring magbigay ng traffic violation ticket pero ang LTO at deputized agent lamang nito ang maaaring mangumpiska ng lisensya.
Punto ni Bosita, malinaw sa naturang batas na hindi dapat nangungumpiska ang mga LGU ng lisensya dahil sa traffic violation.
Tugon naman ni DILG Secretary Benhur Abalos valid ang punto ni Bosita at makikipag-ugnayan na umano ang kanyang tanggapan sa LTO upang makagawa ng hakbang kaugnay nito.
Babalangkas din aniya ang ahensya ng rekomendasyon sa Kongreso upang makabuo ng panukalang batas kung kinakailangan para masolusyunan ito.
No comments:
Post a Comment