Monday, August 29, 2022

DBM, PINAGHAHANDA NA GISAHIN NG MGA MAMBABATAS SA KAMARA HINGGIL SA UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS SA 2023 PROPOSED BUDGET

Pinaghahanda ni Deputy Speaker Isidro Ungab ang Department of Budget and Management (DBM) sa posibleng pag-gisa ng mga mambabatas sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2023 proposed national budget,.


Ani Ungab, tiyak na maraming itatanong ang mga mambabatas patungkol sa P588,1 billion unprogrammed funds lalo at 16% ito ng kabuuang programmed new appropriations para sa susunod na taon.


Paliwanag ng Davao solon, ang porsyentong ito ay malaking pag-taas kumpara sa nakaraang mga budget na 2% hanggang 5% lamang ang unprogrammed appropriations.


Dagdag pa ng kinatawan na batay sa isinusulong na Budget Reform Bill, ang standard o normal na percentage level ng unprogrammed appropriations ay hindi dapat lalagpas sa 2% ng kabuuang expenditure proposal na nakapaloob sa programmed component ng general appropriations act.


Ibinabala pa din ng kongresista na posibleng hindi na aprubahan ang pagkakaroon ng supplemental budget sa hinaharap dahil sa malaking porysento na ng unprogrammed funds.


Ang unprogrammed appropriations ay standby appropriations na hindi mula sa revenues o kita ng pamahalaan.


Maaari lamang itong gamitin kung mayroon sobrang revenue collection mula sa non-tax revenue sources; bagong revenue collection mula sa mga bagong tax o non-tax sources at approved loans para sa mg foreign-assisted projects.

No comments:

Post a Comment