Thursday, September 1, 2022

ADVERTISEMENT NG MGA GOVERNMENT AGENCY, DAPAT IPALABAS SA MGA GOVERNMENT MEDIA

Itinutulak ni Baguio Rep. Mark Go na himukin ang iba’t ibang government agencies na imbes na sa pribadong media network ay sa government media magpalabas ng kani-kanilang advertisement.


Ito ang nakikitang solusyon ng mambabatas upang mapataas ang revenue o kita ng state media at mapondohan naman ang kinakailangang personnel services at mooe nito.


Sa budget briefing ng Office of the Press Secretary, nabanggit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang kita ng PTV mula sa pumapasok na advertisements ay inilalaan para pambayad ng kanilang mga empleyado.


Bunsod nito, suportado ng kalihim ang suhestyon ng kongresista.


Aniya bahagi ng kanilang policy making powers ay maaari nilang imandato sa mga ahensya ng pamahalaan na unang mag-advertise sa PTV at IBC


Umapela rin si Sec. Angeles na maisama ang Philippine News Agency o PNA na siyang news wire ng pamahalaan upang mapalakas at ma-pick up ng foreign news agencies ang ating mga balita.


Pagtitiyak naman ni Go na babalangkas siya ng panukala upang maisakatuparan ito. 

No comments:

Post a Comment