Tinapos ngayong Biyernes ng Komite ng Appropriations ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Partylist, AKO BICOL) ang pagsusuri sa panukalang badyet ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). P23.041-bilyon ang panukalang badyet ng DENR para sa Fiscal Year 2023.
Sinabi ni Co na inaasahan nilang ang mga programa at proyekto sa climate adaptation ng DENR para sa 2023 ay nakabatay sa agham, at isasama ng ahensya ang mga polisiya sa kalikasan, at mga programa sa pagpapaunlad na sumusuporta sa pangmatagalan, napapanatili, at inklusibong paglago ng ekonomiya.
Samantala, sinabi ni Senior Vice-Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo labis na napakahalaga ng hangarin ang pagbangon ng ekonomiya na hindi madaling mapapawi ng mga natural na kalamidad at mga sakuna.
Sinabi ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na ang Kagawaran ay magsusumikap para sa nexus-based na pamamahala sa kapaligiran, at mamumuhunan sa mga siyentipikong sistema, gayundin ang isang diskarte na nakabatay sa panganib sa pinagsamang pamamahala sa kapaligiran, at napapanatiling paggamit ng likas na yaman.
Binalangkas din niya ang kanilang mga prayoridad sa badyet para sa 2023, na kinabibilangan ng: 1) pagmamapa at pagtutuos para sa mga likas na yaman ng bansa gamit ang geospatial intelligence, economics, at natural, social, at industrial science; 2) pagtulong sa pagpapaunlad ng matatag na mga lungsod at munisipalidad; 3) seguridad sa tubig, pagkain, at enerhiya; at 4) proteksyon ng mga katutubong uri bilang bahagi ng likas na pamana ng bansa.
Hinimok ni BH Partylist Rep. Bernadette Herrera ang DENR na i-maximize ang kanilang mga pondo at awtomatikong alokasyon mula sa mga nakalaan na kita upang maiwasan ang mga hindi nailabas at hindi obligadong paglalaan.
Binigyang-diin ni DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-Teh ang pangangailangan ng ahensya na pahusayin ang pagbili, trabaho, at sistema sa pinansyal na pagpaplano nito. Gayundin, nangako si Loyzaga na susuriin ang kanilang mga proseso, upang epektibong magamit ang kanilang badyet.
Ang pagdinig ay itinaguyod din ni Appropriations Committee Vice-Chairperson at Palawan Rep. Jose Alvarez.
No comments:
Post a Comment