Inilapit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa mga mambabatas nag sitwasyon ng IBC 13.
Sa pag-depensa ng Office of the Press Secretary sa kanilang P1.22 Billion 2023 proposed budget, nabanggit ng kalihim na wala nang ponding inilaan para sa IBC.
Mula sa orihinal nilang proposal na P123 million para sa personnel services, P80 million para sa MOOE at P215 million o kabuuang P418.7 million ay walang pondo na inaprubahan sa 2023 NEP.
Apela ni Sec. Angeles, kung hindi mapopondohan ang IBC ay mawawalan ng trabaho ang mga empleyado nito ay pagsapit ng Enero ay posibleng closed operations na ang network.
Paliwanag ng kalihim, kaya nabigyan ng zero budget ang IBC ay dahil sa ang categorization nito ay for privatization.
Ngunit aniya para ma-privatize ang media network kailangan nitong maka generate ng hindi bababa sa P1 billion na ilalaan sa modernisasyon ng PTV.
Pero diin nito, na kung walang pondo ang IBC ay hindi nito magagawang kumite o tumaas ang value nito.
No comments:
Post a Comment