Umaabot sa 20.303 billion pesos ang budget ng department of foreign affairs para sa fiscal year 2023.
Mas mababa ito ng 1.2 billion pesos kumpara sa 2022 budget na nasa 21.545 billion pesos.
Sa pagharap ng DFA sa house committee on appropriation, hiniling nito dagdagan ang kanilang budget para sa susunod na taon upang mas palakasin ang kapasidad ng DFA.
Ayon sa DFA undersecretary Antonio Morales nasa 10.7 million na ang mga pinoy sa ibat ibang bahagi ng mundo kaya tumataas din ang demand ng mga ito na mapagsilbihan.
Sa katunayan anya.. marami na ang nagrerequest ng dagdag na consular office abroad para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Panawagan ng DFA, ibalik ang ibinawas na budget para sa tier 2 proposal ng ahensya.
Samantala, ipinagmalaki naman ng DFA na kabilang sila sa top revenue generating agency ng bansa kung saan umabot sa 3 billion pesos.
No comments:
Post a Comment