Tuesday, August 30, 2022

MGA BENEPISYO NG MGA HEALTH WORKER, KAHIT NASA UNPROGRAMMED FUNDS ANG PARA SA EMERGENGY ALLOWANCE AY HINDI MAAAPEKTUHAN

Hindi maaapektuhan ang kasalukuyang benepisyo ng  mga healthcare workers kaugnay ng patuloy pa rin na banta ng pandemya.

Ito ang tiniyak ni House Deputy Majority leader Janet Garin kahit nasa unprogrammed funds ang 18.9-billion pesos para sa emergency allowance and benefits ng mga health workers para sa 2023.


Ayon kay Garin, vice chairperson ng House Committee on Appropriations, ang unfunded items ay resulta ng napagtibay na batas para matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo ng mga public at private health workers sakaling muling magkaroon ng mga public health emergencies bukod sa covid-19.


Sa ilalim anya ng batas, tungkulin ng gobyerno na magkaloob ng dagdag na health emergency allowances mula 3-thousand hanggang 9-thousand pesos depende sa “health risk” sa lugar ng kanilang trabaho.


Tiwala si Garin na mapopondohan pa rin ang mga unprogrammed items lalo na kapag lumagpas ang target revenue collection ng gobyerno.

No comments:

Post a Comment