Tuesday, August 30, 2022

IMPRASTRAKTURANG ITATAG SA BANSA, MALAKING TULONG SA SEKTOR NG TURISMO

Bahagi ng pagpapabuti ng tourism experience ng bansa, ang pagtatatag ng ilang imprasktraktura na layong tulungan ang mga turista.


Sa budget briefing ng Dept ot Tourism, ibinahagi ni Tourism Sec. Christina Frasco ang plano nilang patatayo ng tourist assistance call center sa mga ports na magsisilbing one stop shop na maaring paghingan ng tulong at iba pang impormasyon ng mga turista.


Magtatayo rin ng sampung tourist rest areas sa Luzon, Visayas ay Mindanao na maaaring maging pahingahan ng mga turista, na may malinis na palikuran at apaslubogn center.


Ilulunsad din ani Fraso ang Bisita Be My (BBM) Guest Program kung saan bibigyan ng mga insentibo ang mga OFWs na mag-iimbita ng kanilang mga kaanak, kaibigan at iba pang turista na bumisita sa Pilipinas.


Tinukoy na rin aniya nila ang mga health facility na kailangan ayusin at i-upgrade para maserbisyuhan ang mga turista na mahaharap sa aksidente.


Kasama rin sa plano ng ahensya ang pagtatatag n g mga cultural at heritage areas sa buong bansa.

No comments:

Post a Comment