Monday, August 29, 2022

DEKALIDAD NA BADYET NG PAMAHALAANG NASYUNAL PARA SA TAONG 2023, TINIYAK NA MAIPAPASA

Tiniyak ngayon ni  House Deputy  Majority Leader  at House Committee on Appropriation vice chair, Janet Garin na dekalidad na 2023 national budget ang kanilang ipapasa sa Kongreso. 


Bagaman anya na mabilisan nila itong tatalakayin upang agad na maipasa  sinisiguro namang masusi nila itong mabubusisi. 


Sa Ugnayang sa Batasan news foru, sinabi ni Garin na hindi magiging sagabal ang mga committee hearing sa deliberasyon ng Kamara sa pambansang budget. 


Anya, kelangan nilang i-maximize ang kanilang oras para gawin ang kanilang mandato kaya dapat magtuloy tuloy ang mga pagsasagawa ng cttee hearing simultaneous sa paghimay ng 2023 national budget. 


Samanatala, aminado naman ang lawmaker na ang problema lamang sa ngayon ang kakulangan ng mga conference room. 


Kaya anya, nakadepende sa availability ng conference rooms ang iskedyul ng kanilang ctte hearings.


Anya panahon na magdagdag ng mga kwarto na maaring pagdausan ng hearing dahil nadadagdagan ang mga komite at mambabatas sa Kamara.

No comments:

Post a Comment