Tuesday, August 30, 2022

BAWAS SA DOKYU STAMP TAX SA GAMING TICKETS NG LOTTO, INAAPELA NG PCSO

Umaapela ang PCSO na ikonsidera ang pagbabawas sa ipinapataw na documentary stamp tax sa kanilang mga gaming tickets partikualr ang lotto.


Ayon kay pcso chair junie cua malaki ang mababawas sa kanilang medical assistance program para sa indigent patients kung hindi matuloy ang bawas dst salig na rin sa comprehensive tax reform package 4.


Batay kasi sa package 4 ng ctrp mula na inaprubahan ng ways and means committee, mula 20 percent ay gagawin na itong 10 percent


Tinukoy din nito na kung noon aniya ay nakapagbibigay sila ng 500,000 hanggang 1 million pesos assistance ay bumaba na lang ito sa 20k hanggang 50k pesos dahil sa mataas na DST.


Bunsod nito, hiniling ni cua sa ctte on appro ang suporta na repasuhin ang panukalang documentary tax stamp reduction upang hindi mabawasan ang kanilang pagkukunan ng kita at matiyak ang tulotuloy na pag papaabot ng tulong sa ibat ibang health programs para sa mga Pilipino.


Kung maaari pa aniya ay maibaba pa ito sa 5 percent.


Para naman sa unang quarter ng taon, umabot na sa 25.9 billion pesos ang kita ng pcso.

No comments:

Post a Comment