Monday, August 29, 2022

GUIDE BILL NI SPEAKER ROMUALDEZ, APRUBADO NA SA KOMITE SA KAMARA

Aprubado na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill No. 1 o panukalang GUIDE Bill.


Batay na rin sa Rule 10 section 48 ng House Rules, mabilis na inaprubahan ang naturang panukala na inihain mismo ni House Speaker Martin Romualdez, na una nang napagtibay noong 18th Congress.


Layon ng GUIDE bill na palakasin ang government financial institutions upang mapalawak ang kanilang pautang sa mga MSMEs na naapektuhanng pandemiya. 


Sa oilalim nito maglaan ng P10 bilyong piso para sa lending program ng GFIs. 


P7.5 billion ang para sa land bank of the philippines (LBP) at P2.5 billion ang para sa Development Bank of the Philippines (DBP). 


Itataas din ng panukala ang capital stock ng DBP sa P100 bollion mula sa dating P35 Billion. 


Maliban sa MSMEs inaasahang makikinabang dito ang mg strategically important industries tulad ng agriculture, construction, education, food production, health care, infrastructure, socialized housing, manufacturing, power and energy, product distribution, retailing, services, tourism and hospitality, transportation and logistics, at water and sanitation. 


Bubuo naman ng isang oversight committee na binubuo ng tig limang miyembro ng Kamara at Senado para matiyak ang tamang implementasyon ng panukala.


Ang GUIDE ay isa sa mga priority legislative measure na nabanggit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA.

No comments:

Post a Comment