Inihain ni Cebu Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco ang House Bill 3879 na layong magtayo ng Heart Center of the Philippines – Visayas.
Sa gitna na rin ito ng tumataas na bilang ng mga taga Visayas na nagkakasakit sa puso.
Tinukoy ni Frasco na nakasaad sa ating konstitusyon ang mandato ng estado na makapagbigay ng episyente at epektibong health care system para sa lahat ng Pilipino.
Dagdag pa nito na sa mismong SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay binanggit nito na hindi lamang dapat nasa NCR ang mga specialty hospitals tulad ng Heart Center.
Batay sa House Bill 3879, ipapatayo ang Philippine Heart Center – Visayas sa Liloan Cebu.
Nakapaloob din dito ang panuntunan sa pagbuo ng Board of Trustees na mayroong 7 miyembro na siyang mamamalakad sa PHC-Visayas.
Kukunin naman ang pondo nito sa taunang appropriations ng Dept of Health kung saan ipapaloob ang subsidy program para sa capital outlay ng ospital.
No comments:
Post a Comment