Ilan pang mambabatas ang nagpahahyag ng suporta sa ibinabang temporary restraining order ng Korte Suprema hinggl sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension o NCAP.
Sa mensahe ni 1 Rider PL Rep. Bonifacio Bosita, sa Radyo Pilipinas, sinabi nito na good news ang TRO para sa mga motorista.
Aniya, sa pamamagitan nito, ang ilan sa mga maling sistema na lalong nagpapahirap sa mga motorista ay mabibigyan muna ng kaukulang atensyon at solusyon bago tuluyang ipatupad ang NCAP.
Pinasalamatan din nito ang Supreme Court s amabilis na pagtugon sa problemang idinulog ng mga motorista sa kanila.
“Good news para sa mga kapatid nating motorista itong inilabas ng Supreme Court na TRO para sa mga Local Government Units na nagpapatupad ng NCAP. Good news dahil may ilang mga maling sistema na lalong nagpapahirap sa mga motorista na mabibigyan muna ng kaukulang atensyon at solusyon bago tuluyang ipatupad itong NCAP. Congratulations sa motorists group at iba pa na nasa likod ng lumabas na TRO; and Maraming salamat sa Supreme Court dahil mabilis nilang tinugunan ang problema ng mga motorista na idinulog sa kanila.”
Pinuri din ni Albay Rep. Joey Salceda ang hakbang ng Korte Suprema.
Ani Salceda, dahil sa TRO ay mapo-protektahan ang mga motorista na hindi na ma-agrabyado pa ng polisiya hanggang sa ma-resolba ang legalidad nito.
Dapat naman aniyang gamitin ng transport agencies, pati na ng DILG ang TRO upang bumuo ng mas malinaw na panuntunan para sa NCAP.
“I respectfully urge Secretaries [Benhur] Abalos and [Jaime] Bautista to take this halting of the NCAP as an opportunity to guide LGUs on enforcing traffic rules so that their methods do not encroach upon basic rights. I think now is the time to study a framework, and to really consult with all stakeholders, especially transport workers who have no choice but to be on the road every day – despite the risk of getting fined.” Paliwanag ni Salceda.
No comments:
Post a Comment