Friday, September 2, 2022

KAPASIDAD NA MAKABILI NG SARILING PRINTING PRESS ANG NPO, INILAPIT NG OPS SA KAMARA

Pagbibigay kapasidad sa National Printing Office para pambili ng sariling printing press, inilapit ng OPS sa mga mambababtas.

--

Hiniling ng Office of the Press Secretary sa Kongreso na magkaroon ng panukala para pahintulutan ang National Printing Office na mabigyan ito ng retaining capacity upang makabili ng sariling printing press.


Ito’y matapos mapuna sa budget briefing ng ahensya ang kawalan ng capital outlay funding ng NPO.


Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakakalungkot na mayroong NPO ang pamahalaan ngunit walang naman sariling printing press.


Dahil dito naga-outsource ang NPO para sa pagi-imprenta ng mga government forms na aniya’y posibleng maging banta rin sa ating national security.


Bunsod nito umapela si Angeles sa mga mambabatas na gumawa ng lehislasyon na para payagan na magkaroon ng retention ang NPO para sa kanilang CO.


“Ang maaari po kasi naming, ang pino-propose naming bilang legislation sa darating na kongreso ay mabigyan ng retaining capacity. Kasi nagre-remit kami P100 million per year. Kung makakaporsyento kami, or meron ia-allow kami ng retention for capital outlay makakabili po kami ng mga printing presses para sa NPO.” saad ng kalihim.


Dagdag pa ni Sec. Angeles ang pagiimprenta ng NPO ay hindi na lang lilimitahan sa printing ng government forms bakgus ay palalawigin pati sa paglilimbag ng libro.


Sa paraan aniyang ito, mas mae-engganyo ang publiko na magbasa at magahanap impormasyon mula sa iba pang resources upang malalabanan naman ang fake news.


“Ang ambisyon nga naming hindi na lang government forms, pagka nakabili kami ng iba’tibang klaseng press aabot na rin tayo sa puntong maka-encourage tayo ng pagbabasa. Kasi isang panglaban sa mga fake news ay ma-capacitate natin ang atinng mga mamamayan marunong magbasa, marunong, nag-e-encourage ng mga nagsusulat ng libro, mae-encourage yung mga second round printings na wala nang copyright, yung process of decoding kasi sa pagbabasa nakakatalino. Pangalawa kung marunong magbasa at marunong magbasa ng maige ang ating citizenry, yung issue ng fake news medyo nadio-diminish, magkakaroon ng kapasidad na maghanap ng impormasyon fro mother resources ang ating mga mamamayan. Kaya ang hihingin naming in terms of legislation ay baka pwede naman kaming ma-capacitate na bumili ng press namin.” Diin ng Kalihim.

No comments:

Post a Comment