Tuesday, August 30, 2022

WALANG ISYU KAY VERGEIRE BILANG OIC, MAKAKATUGON PA RIN ANG DOH - GARIN

Ipinahayag nagyong Martes ni Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na walang negatibong epekto sa kakayanan ng ahensya, na tumugon sa mga kasalukuyan at nararanasang alalahanin sa kalusugan, ang papel ni Department of Health (DoH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire's bilang officer-in-charge (OIC).


"Being an OIC in terms of pandemic response...will not in any way affect the delivery of health services," ito ang sinabi ni Garin sa mga mamamahayag sa Kapulungan sa ginanap na pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan Majority News Forum. 


Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Vergeire bilang DOH-OIC, habang wala pang naitatalagang Kalihim.


Bilang OIC ng Kagawaran ng Kalusugan, kailangang harapin ni Vergeire ang pananatili ng pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19), kabilang na ang iba pang mga banta sa kalusugan tulad ng monkeypox. 


Nang matanong sa pulong balitaan kung ang kawalan ba ng Kalihim ng DoH ay naging dahilan upang ang ahensya ay hindi maayos na nakatutugon sa mga pampublikong kagipitan sa kalusugan, ay sumagot si Garin, na dati ring Kalihim ng DoH, nang hindi.


"Well, basically as a former secretary of health, I don't think there's really a huge impact kasi yung powers ng officer-in-charge, is the same powers as the acting [secretary], except on appointive powers," ani Garin. 


"And based on my understanding, 'yung Opisina ng Presidente eh binigyan naman ng leeway 'yung DoH officials to recommend additional powers as they deem necessary to be able to be effective in healthcare response," dagdag pa ng mambabatas. 


"Be that as it may, kung pinag-uusapan natin ang pandemya the less movements inside, the better," ani Garin, na tumutukoy sa DoH. 


"I think what is urgently needed now dahil nga meron ngang mga nag-retire, mayroon mga bagong direktor na kailangan is for all the appointments to come out para 'yung mga unfilled positions ay ma-fill upan na," dagdag pa ni Garin. #

No comments:

Post a Comment