Monday, August 29, 2022

₱2 BILYONG PAGKAKAUTANG NG NAPOCOR SA PETRON, MAGIGING SANHI NG TOTAL BROWNOUT SA MINDANAO

Inilapit ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Department of Budget and Management (DBM) ang posibleng total brownout sa malaking bahagi ng Mindanao at iba pang lugar sa bansa bunsod ng pagkakautang ng ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa Petron Corp.


Pagbabahagi ni Hataman sa naging budget briefing, nakatanggap ng sulat ang mga lokal na pamahalaan sa Basilan at mga karatig lugar kaugnay ng napipintong brownout matapos umabot ng P2 billion ang utang ng NAPOCOR sa Petron.


Ang Petron ang nagsusuplay ng produktong petrolyo para tumakbo ang mga planta ng NAPOCOR sa lugar.


Sinabi naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Energy (DOE) para sa pagpapalabas ng pondo sa Petron.


Una nang hiniling ng NAPOCOR sa DOE at Department of Finance (DOF) ang dagdag na pondo gayundin upang magamit ang unprogrammed funds ng 2022 national budhet at ang P1.3 bilyong national government subsidy mula sa DBM para mabayaran ang kanilang utang.

No comments:

Post a Comment