Ikinagulat ni DILG Sec. Benhur Abalos ang pahayag ni Cebu City Mayor Michael Rama, na tuloy ang pagpapatupad sa ibinaba nitong Executive Order kung saan non-obligatory na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas sa siyudad.
Sa ambush interview ng media kay Abalos sinabi nito na nagulat siya sa bagong pahayag ng alkalde dahil nakausap lamang niya ito noong Miyerkules para pakiusapan na huwag muna ipatupad ang EO at hintayin muna ang desisyon ng IATF tungkol dito.
Positibo naman aniya ng tugon ni Rama at sinabi na bukas na i-defer o ipagpaliban muna ang implimentasyon ng naturang EO.
Nangako naman si Abalos sa Cebu City Mayor na ilalapit sa IATF ang kanyang EO at sakaling pag-bigyan ay itutulak pa nga aniya niya na gawing pilot area ang Cebu City.
Diin ng kalihim, mahalaga na mapag-isa muna ang national at local laws upang iisa lamang aniya ang susunding kumpas ng pamahalaan kaugnay sa naturang usapin.
Susubukan aniya niya ulit kausapin si Rama upang linawin ito.
“Medyo nagulat ako sa sinabi mo dahil nag-usap lang kami kahapon ang sabi niya sa akin he is willing to defer (the implementation of the EO). Ang importante dito iisang sagwang lang tayo, iisang direksyon.” Ani Abalos.
No comments:
Post a Comment