Wednesday, August 31, 2022

PAGPAPTUPAD NG DEVOLUTION PLAN SA MGA LGU, HAHON PARA SA DILG

Aminado si DILG Sec. Benhur Abalos na hamon  ang pagpapatupad ng devolution plan para sa mga local government unit salig sa Mandanas-Garcia Ruling.


Sa budget briefing ng DILG sa Kamara, sinabi ni Abalos na partikular na mahihirapan dito ang mga 4th, 5th at 6th class municipalities.


Noong nakaraang taon kasi aniya ay naglabas na ng kautusan ang DBM na ang ilang proyekto ng national government ay ililipat na sa lokal na pamahalaan, tulad na lamang ng pagpapatayo ng mga eskuwelahan.


Bagay na hindi aniya kakayanin ng ilang LGU.


Bunsod nito, posible silang humugot ng pangtulong mula sa kanilang local government support fund.


Ngunit maliban dito, isa pa aniyang hamon na haharapin ng mga LGU sa susunod na taon ang mababang IRA o internal revenue allotment.


Paliwanag ni Abalos, mababawasan ito ng 14% dahil sa ang halaga ng IRA ay ibabatay sa nakaraang taon na kasagsagan ng pandemiya.


Batay sa 2023 National Expenditure Program, nagkakahalaga ng 28.9 billion pesos ang Local government support fund na nahahati sa financial assistance to LGU, growth equity fund at support to barangay development program na nasa ilalim ng NTF-ELCAC.

No comments:

Post a Comment