Itinutulak ni Leyte Rep. Richard Gomez na dagdagan ng Kongreso ang pondo ng PNP at iba pang anti-drug agencies para sa training sa paghawak ng mga ebidensya sa drug cases.
Ito’y matapos ibahagi ni PNP Deputy Chief of Operations PMGEN Benjamin Santos na nasa .88 percent o wala pang isang porsyento ang conviction rate nila sa mga kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.
Malaking dahilan aniya nito ang pagkaka-dismiss ng kaso dahil sa technicality sa chain of custody o paghawak sa mga ebidensya.
Punto ni Gomez, kung magtutuloy-tuloy ang mababang conviction rate ay paglalaruan lang ng mga drug traffickers ang otoridad.
Bilang dating local chief executive batid ani Gomez ang hirap ng mga kapulisan para sa labanan ang iligal na droga ngunit nababalewala lamang dahil sa teknikalidad.
Ayon naman kay Santos, nitong nakaraang linggo ay isinailalim nila sa training kaugnay sa chain of custody ang nasa 16,000 investigators.
“We can see that the conviction rate is very low. A major part of that, major contributor of that is the technicality on the chain of custody. That’s why if by legislation Mr. Chair, maybe we can help the police force or all the anti-drug agencies to at least increase tehir budget for training para mas gumaling ang pag-handle nila ng mga evidence, pag-harap nila sa mga cases nila otherwise, kung magtutuloy-tuloy lang ‘to, kawawa rin naman yung mga trabaho ng pulis nababalewala. With a very low conviction rate of less than 1percent, paglalaruan lang tayo ng mga drug traffickers.” Saad ni Gomez.
No comments:
Post a Comment