Kinuwestiyon ng Garbiela Partylist ang umanoy kawalan ng aksiyon ng !arcos administration sa sunod-sunod na naman na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at napipintong taas-pasahe sa jeepney.
Ayon kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, puro “chill” lang umano si Pangulong Bongbong Marcos at nakikita pa nga na nanonood ng basketball game ng Gilas Pilipinas.
Iginiit ni Brosas na dapat i-certify as urgent bill ni Pangulong Marcos ang House Bill 400 na layuning alisin na ang excise tax at value added tax na ipinapataw sa mga petroleum products.
Sabi ni Brosas, sigurado na ang pinakahuling oil price hike ang magiging dahilan ng pagtaas na naman ng presyo ng mga pagkain at basic commodities.
Tanong ni Briones, ano pa ang mabibili ng 570-minimum wage kung tuloy-tuloy ang taas-presyo sa langis at mga bilihin.
Dagdag pa ni Briones, pangungunahan din ng Gabriela ang pagsusumite ng bill para mabigyan ng VAT exemption ang mga basic commodities na binibili ng mga mahihirap gaya ng tinapay, noodles, delata at mga katulad ng bilihin.
No comments:
Post a Comment