Tuesday, August 30, 2022

POGOs, LUMISAN NA SA BANSA DAHIL SA TAAS NG BUWIS NA KANILANG BINABAYAD

Kinumpirma ng PAGCOR na kalahati sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang lumisan na sa bansa dahil sa mataas na buwis na kanilang ibinabayad sa gobyerno na batay sa Republic Act No. 11590.


Ito ang inihayag ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa sinagawang pagdinig ng House of Representatives’ committee on appropriations hinggil sa Pagcor’s revenues.


Inamin ni Tengco ng tumaas ang buwis na ipinataw ng gobyerno sa POGO hindi na tumaas ang kanilang kita.


Ayon kay Tengco, mula sa 60 licensed operators, sa ngayon mayruong na lamang 30 ang nasa bansa kung saan 27 dito ang nananatiling active habang ang tatlo ay hindi na operational.


Inihayag naman ni Juanito Sanosa Jr, PAGCOR President and Chief Operating Officer na ang dahilan sa paglisan ng mga legitimate POGO company sa bansa ay dahil sa mataas na gaming tax.


Batay sa report, ang mga umalis na POGO company sa Pilipinas ay lumipat sa bansang Cambodia at Dubai.


Makikipag ugnayan din ang PAGCOR sa NBI at PNP hinggil sa pagtugis sa mga illegal operators ng POGO.

No comments:

Post a Comment