Dalawa pang chairman ng Komite sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang hinirang ngayong Martes sa sesyon ng plenaryo. Nagmosyon si Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos upang ihalal si Rep. Michael Romero (Party-list, 1-PACMAN) na pamunuan ang Komite ng Poverty Alleviation.
Ang Komite ay sumasaklaw at pangunahing may kaugnayan sa lahat ng usapin sa mga polisiya, at programa na tutugon sa kalagayan ng kahirapan sa bansa, at iba pang mga hakbang upang iangat sa kalagayan ng mga mahihirap, at isulong ang kanilang mga karapatan sa pantay na akses sa mga oportunidad, para sa maginhawang pamumuhay. Samantala, si Rep. Jose Aquino II (1st District, Agusan del Norte) ay nahirang bilang chairman ng Komite ng Public Information.
Tutugunan ng Komite ang lahat ng usapin na direkta, at pangunahing may kaugnayan sa pampublikong impormasyon, at lahat ng uri ng pangkalahatang komunikasyon at media na ginagamit, kabilang na ang paglalathala at broadcast media, pelikula at telebisyon, video, advertising, cable television at internet content, at mga karapatan at responsibilidad ng mga tao at mga kompanya na may kaugnayan rito.
No comments:
Post a Comment