Thursday, September 1, 2022

PAGTATAYO NG MGA KADIWA CENTER SA LAHAT NG LUNGSOD AT MUNISIPALIDAD, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Panahon na para magtayo ng Kadiwa Agri-food Terminals sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.


Ayon kay Congressman Wilbert Lee ng AGRI Partylist, sa ilalim ng House Bill 3957, layunin nito na mabigyan ng venue at pagkakataon ang ating mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto sa abot-kayang halaga.


Sabi ni Lee, sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin, malaking tulong ang Kadiwa Centers na mailapit sa mga komunidad.


Anya, may mapagbebentahan agad ng produkto ang mga magsasaka at mangingisda nang hindi na kailangang bumiyahe pa ng malayo habang ang mamimili ay may madaling access sa mas mura at masustansiyang pagkain.


Sa bill, katuwang ang mga local government unit sa pangangasiwa ng mga Agri-food terminals gaya ng direct retail selling pati na  Kadiwa on wheels para matiyak na mas mababa ng 10 to 20 percent ang presyo ng bilihin kumpara sa mga palengke.


Paliwanag ni Lee, kapag naisabatas, 25-billion pesos ang ilalaan kada taon sa implementasyon ng programa at 10-billion pesos ang ilalaan sa Department of Agriculture para mapalawak ang programa.

No comments:

Post a Comment