Nagdaos ng panimulang deliberasyon sa House Bills 73 at 2604 ang Komite ng Natural Resources sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elpidio Barzaga Jr. (4th District, Cavite) ngayong Miyerkules. Ang dalawang panukala ay naglalayong itatag ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS).
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Rep. Antonio Legarda Jr. (Lone District, Antique), may-akda ng HB 2604, na ang PENCAS ay isang permanenteng ahensya ng pamahalaan na magtutuos ng pangkalahatang stock ng likas na yaman, na maaaring magamit at ang mga dapat na pangalagaan.
"In other words, we need a system that would serve as a guide for our economic managers to work for national growth and development without harm to our natural resources," ani Legarda. Samantala, ang HB 73 ay iniakda ni Rep. Jose Francisco Benitez, PhD (3rd District, Negros Occidental).
Sa ginanap na pagdinig, tinukoy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Analiza Teh ang panukalang PENCAS bilang isa sa prayoridad na lehislasyon ng ahensya.
Binanggit niya ang iba pang mga prayoridad na lehislasyon, tulad ng panukalang Mineral Processing and Value-adding Act, ang pagtatag ng isang fiscal regime para sa industriya ng pagmimina, regulasyon sa single-use ng mga produkto ng plastik, ang pagtatatag, pagmamantine at pangangasiwa ng rainwater harvesting systems, Land Reform Administration Bill, National Land Use Bill, kasama ang Integrated Coastal Management Bill. Sinimulan ring talakayin ng lupon ang HBs 3707 at 2596, na naglalayong tukuyin ang specific forest limits sa mga public domain.
Ang mga panukala ay iniakda nina Deputy Speaker Ralph Recto at Rep. Jose Manuel Alba (1st District, Bukidnon), ayon sa pagkakasunod.
No comments:
Post a Comment