Tuesday, August 30, 2022

MGA KONTRA SA BAKUNA, BINATIKOS NI GARIN SA PASYA NG CHED NA IPAHINTO ANG COVID-19 BAKUNA PARA SA MGA MAG-AARAL

Binatikos ngayong Martes ni Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mga kumokontra sa bakuna, at tinawag niya itong malakas na lobby group na parating nakakontra sa bakuna, sa kabila ng malinaw na polisiya ng pamahalaan sa usapin ng pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19). 


"I think CHED's announcement is the success of anti-vaxxers. The anti-vaccine group is a very strong lobby group that are also well-organized. So palagi 'yan silang komokontra kasi 'yan ang kanilang paniniwala," ito ang binigkas ni Garin sa idinaos na pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan Majority News Forum ngayong araw. 


Ito ang reaksyon ni Garin sa pahayag ng Commission on Higher Education's (CHED) na hindi na nila gagawing rekisitos sa mga mag-aaral sa higher education institution (HEI), maging ang kanilang mga kawani na magpabakuna para sa COVID-19 bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes. 


"Kapag ikaw naman eh magpadala doon, syempre medyo matakot ka kasi you'll be threatened with cases, then nandudoon na ngayon 'yung nahahati 'yung iyong desire to protect our people versus protecting yourself," paliwanag niya, na tumutukoy sa mga kontra sa bakuna.


Si Garin ay dating Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Naniniwala siya na kailangan nang makialam ang MalacaƱang, at magpasya kung ano ang mabuti para sa mga mamamayan hinggil sa naturang usapin. 


"Ang pananaw ko, it's now the President’s call. Because only the President can make sure that when people in government do their job, they will be protected," aniya. 


"I believe it's a matter that should really be discussed thoroughly by government. Because when there's a fight between pro-vaccine and anti-vaccine, kailangan na kailangan na pumagitna ang gobyerno at tingnan kung ano ba ang nararapat para sa sambayanang Pilipino," giit ni Garin. 


Ayon sa mambabatas, ilalagay ng polisiya sa panganib ang mga nakakatandang Pilipino at HEIs na may usapin sa kalusugan. 


"I think the bigger risk there is for the professors and the employees of the state universities and even colleges and universities. Kasi medyo may comorbidities marami sa kanila above 35 years old, mayroon din dyan about 60 years old and halos karamihan dyan mayroon ng maintenance medication, which makes them prone to COVID complications," aniya.

No comments:

Post a Comment