Ipinapanukala ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na madagdagan ang earmarked na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.
Sa ilalim ng House Bill 212 ng mambabatas, aamyendahan ang Section 13 ng RA 11203 o Rice Tariffication Law.
Kung saan, mula sa kasalukuyang P10 billion na pondong inilalaan sa RCEF ay itataas ito sa P15B
Bukod dito, pinadaragdagan din ang earmarked na pondo para sa iba pang essential farm inputs tulad ng fertilizer.
Mula naman sa P5 billion na funding itinutulak na itaas sa P5.5 billion ang pondo para naman sa mechanization program sa ilalim ng PHILMEC.
Nai-refer na sa House Committee on Agriculture ang naturang panukala.
No comments:
Post a Comment