Tuesday, August 30, 2022

PAGHAHANDA PARA MULING BUKSAN ANG TURISMO SA MINDANAO, KASADO NA

Tiniyak ni Tourism Sec. Christina Frasco sa mga mambabatas na kasado na ang kanilang paghahanda para muling buksan ang Mindanao sa turismo


Tugon ito ng kalihim sa interpellation ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo sa budget briefing ng ahensya.


Ani Frasco, pinakamahalagang component ng pagbubukas ng turismo sa rehiyon ang tuloy-tuloy na peace and order.


Bunsod nito nakikipag-ugnayan na aniya sila sa dept of national defense upang maisugro na ang pagbubukas muli ng turismo sa rehiyon ay magiging ligtas at ma-maximize din ang potensyal ng mga LGU na makatulong sa turismo.


Nasa tatlompung porsyento naman ng kabuuang budget ng ahensyaa ng inilaan para sa Mindanao.


Kasabay nito hiniling naman ni Dimaporo sa DOT na matutukan din ang pagsasa-ayos ng mga tourism infrastratures na nasira dahil sa kalamidad.


Inihalimbawa ng kongresista ang lalawigan ng Lanao kung saan mula aniya nang tumama ang bagyong Vinta noong 2017 ay hindi pa rin naisa-ayos.


Ayon kay Frasco, bahagi ang tourism infrastructure rehabilitation nang kanilang Tier 2 proposal ngunit hindi naisama ng DBM sa 2023 NEP.


Bunsod nito inatasan na lamang aniya niya ang TIEZA na makipag ugnayan sa DOT upang makapag-paabot ang ahensya ng kahit maliit na tulong.

No comments:

Post a Comment