Monday, August 29, 2022

PAGSUSULONG NA BUHAYIN ANG INDUSTRIYA SA PAG-AASIN SA BANSA, SUPORTADO SA KAMARA

Welcome para kay KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang pagsusulong ni Sen. Joel Villanueva na buhayin at palakasin ang industriya ng pag-aasin sa bansa.


Hulyo nang ihain ni Salo ang HB 1976 na may kahalintulad na layuning palakasin at tulungan ang local salt farmers at exporters sa pamamagitan ng pag-buo ng isang komprehensibong development plan para sa industriya ng asin.


Tulad ni Villanueva, iklinalulungkot ni Salo ang pagiging import dependent ng bansa pagdating sa asin gayon na sa mahigit 36,000 kilometers ang dalampasigan ng bansa.


Tinukoy pa nito 93% ng asin ng bansa ay inaangkat ay pitong porsyento lang ang locally produced.


Bunsod nito, malaking potensyal para kumita at makalikha ng trabaho ang nawawala sa Pilipinas.


Banta rin aniya ang posibleng price manipulation mula sa mga nag-aangkat dahil sa sila ang may control sa suplay nito.


Kumpiyansa naman ang kinatawan na dahil sa suporta mula Senado ay magiging mabilis ang pag0pasa sa kanyang panukala upang maging salt self-sufficient ang Pilipinas at maging exporter pa ng asin.


“We have been in dialogue with different industry stakeholders since the 17th Congress when we first filed a bill in support of the salt industry. “Since then we have seen a groundswell of support from both the private and government sectors, particularly the Department of Agriculture and Department of Trade and Industry. And now that Senator Villanueva is with us, we hope to gather more support in Congress to finally pass a law for our salt farmers and producers,” saad ni Salo.

No comments:

Post a Comment