Maaaksiyunan ng Department of Health ang patuloy na pagtugon sa Covid-19 response kahit walang pang naitatalagang permanenteng kalihim ang DOH.
Sa Ugnayan sa Batasan News Forum, sinabi ni Congresswoman Janet Garin, hindi kawalan ang pagkakaroon ng permanenteng Health Secretary para maapektuhan ang Covid-19 response ng gobyerno.
Ayon kay Garin, pareho lang naman ang function ng Health Secretary at Officer-in- charge sa katauhan ni Health OIC Maria Rosario Vergeire.
Sabi ni Garin, may kapangyarihan si Vergeire na magrekuminda sa mga kailangang programa ng DOH at ito ay suportado naman ng Malakanyang.
Iginiit ni Garin, ang mahalaga ngayon ay mapunan ang maraming bakanteng posisyon sa DOH para hindi maapektuhan ang kanilang operasyon.
Base sa datos, maraming “unfilled positions” ng undersecretary, assistant secretary at iba pang posisyon sa kagawaran kaya mabagal ang pagtugon ng ilang departamento ng DOH.
No comments:
Post a Comment