Tuesday, August 30, 2022

TRO PARA SA PAGPAPATUPAD NG NCAP, WELCOME PARA KAY REP. BARBERS

Welcome para kay Surigao del Norte Rep. Ace Barbers ang inilabas na Temporary Restraining Order ng Supreme Court sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension o NCAP.


Aniya, magandang hakbang ang TRO bunsod na rin ng pag-kuwestyon at reklamo ng mga motorista at mananakay hinggil sa hindi magandang pagpapatupad ng NCAP.


Pagkakataon din aniya ito na mapakinggan ang hinaing ng motorista bunsod ng kalituhan sa naturang polisiya.


Ani, Barbers dapat talagang pag-aralang mabuti ang NCAP bago ipatupad.


Mungkahi pa nito na gayahin ang best practices ng ibang bansa kaugnay dito.


“Unang-una isang magandang hakbang na i-TRO itong NCAP dahil nga sa dami ng kwestyon ng ating mga kababayan. E talaga namang nagkaroon ng kaguluhan at ng kalituhan sa ating mga mananakay at sa ating mga motorista. At the same time syempre, napakingggan ang clamor at ang hinaing ng ating mga motorista at ng ating mga mananakay dahil sa hindi magandang pagpapatupad ng NCAP na it osa ating bansa. That’s why dapat talaga ay pag-aralan mabuti bago natin i-implement. Let’s copy the best practices in other countries, yun ang gawin natin.” Saad ni Barbers.


Kung matatandaan, sa kanyang privilege speech ay itinulak ng kinatawan na maimbestigahan ang NCAP dahil sa patong patong na reklamo ng mga motorista. 


Kabilang dito ang masyadong mataas na multang ipinapataw at gayundin ang hindi maaaring irehistro ang sasakyan kung hindi nakapagbayad ng multa.

No comments:

Post a Comment