Tuesday, August 30, 2022

ONLINE O DIGITAL GAMBLING, MAIGTING NA TINUTULAN NI REP. RODRIGUEZ

Inihayag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang maigting nitong pagtutol sa online o digital gambling.


Tugon ito ng mambabatas matapos ihayag ng pcso ang plano nitong gawing online na rin ang lotto para sa dagdag n akita.


Sa naging briefing ng PCSO sa House Committee on Appropriations, sinabi ni Rodriguez na kung tutuusin ay iligal naman talaga ang gambling sa ilalim ng ating revised penal code.


Nagkataon lamang na ilang porma nito tulad ng sweepstakes, casino at lotto ay ginawang legal sa pamamagitan ng pagpapasa na batas.


Ngunit diin ni Rodriguez hindi na dapat paabuto pa na maging available o accessible ang pagsusugal online dahil masisira lamang nito ang kinabukasan ng mga bata.


Inihalimbawa pa ng mambabatas ang naging masamang epekto ng pagpapahintulot ng e-sabong kamakailan.


“We cannot afford to make gambling through online gambling being available easily to the Youth of our country. The Philippines, the government and Congress is the parens patriae of our youth, if we will allow online gambling, it will be open to even children to do it. There will be less control and it will open up our floodgates, just like what e-sabong has done to our country. and therefore madam Chair finally. I register my strong objection. Let us say as is. Let us not open our country to more gambling. We are custodians of the morality of are youth.” saad ni Rodriguez.


Bago ito, hiniling naman ni manila rep. benny abante sa PCSO na imbestigahan ang napaulat na online game kung saan kahit bata ay maaaring tumaya.


“it was revealed to me by the former chairman of pcso that there is a digital kind of game in which even children can bet. Nakalimutan ko lang ang pangalan ‘nun e, but it was revealed to me. And I thin the pcso should look into it because we do not want our own children as young as they would be to bet on this digital game,” diin ni Abante.

No comments:

Post a Comment