Tuesday, August 23, 2022

MAAGANG NAG-ADJOURN ANG SESYON SA KAMARA DAHIL SA BAGYONG FLORITA

Maagang nag-adjourn ng sesyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw, dahil sa Bagyong Florita.


Ngayong hapon, binuksan lamang ang sesyon para i-welcome ang bisita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Siya ay si Gerard Ho Wei Hong, ambassador ng Singapore.


Matapos nito, nag-mosyon si House Majority Leader Mannix Dalipe para i-adjourn ang sesyon, dahil sa masamang panahon.


Inaprubahan naman ito, sa pangunguna ni House Deputy Speaker Duke Frasco.


Bukas (Aug. 24) ay magbabalik-sesyon naman ang Kamara, alas-dos ng hapon.

No comments:

Post a Comment