Unti-unti ng nabibigyang linaw ang kontrobersiya sa likod ng Sugar Order no.4 kung saan nakatakda sanang mag angkat ang gobyerno ng nasa 300,000 metric tons ng asukal.
Ito ang inihayag ni House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga.
Ayon kay Rep. Enverga, inamin nina dating DA Secretary Leocadio Sebastian at dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica na may mga procedural issues na hindi nila nasunod at may ginawang pag conceal sa mga deputies na isang common practice na kailangan nilang ipaalam sa mga empleyado ng SRA subalit hindi nila ito nagawa.
Kapwa naninindigan naman sina Sebastian at Serafica sa kanilang posisyon hinggil sa pag-aangkat ng asukal ng bansa.
Gayunpaman sinabi ni Enverga na sa isinagawang pagdinig nabatid na na-misunderstood ni Sebastian si Pang. Marcos na naging dahilan sa pag pirma nito sa SO no.4.
Inamin naman ni dating SRA administrator Hermenegildo Serafica ang isinagawang referendum para maipasa ang Sugar Order no. 4 na hindi aprubado ng Pangulong Bongbong Marcos.
Nabunyag din na nagkaroon ng sigalot sa mga opisyal ng SRA kaugnay sa Memorandum Circular No.1 series of 2022 na nagdedeklarang bakante sa ilang pwesto sa executive department sa pagtatapos ng Duterte administration.
Nitong Lunes, sinimulan na ng kamara ang pag iimbestiga hinggil sa unauthorized sugar importations ng Sugar Regulatory Administrations.
Siniguro ng mambabatas na gagawa sila ng mga hakbang o polisiya na ang mga ganitong kontrobersiya ay hindi na mauulit pa.
Ipinunto din ni Enverga na dapat tugunan ang isyu sa asukal bukod pa sa isyu ng graft and corruption.
No comments:
Post a Comment