Thursday, August 25, 2022

ABOT-KAYANG KURYENTE AT CLEAN ENERGY, KABILANG SA PINONDOHAN SA 2023 NEP

Kabilang ang abot-kayang kuryente at clean energy sa mga pinondohan sa 2023 national expenditure program.


P476 million ang funding ang inilaan para sa iba’t ibang programa ng Dept of Energy tulad ng Renewable Energy Development Program, Energy Efficiency and Conservation Program at Alternative Fuels and Technologies Program.


Bahagi rin nito ang Public-Private partnership para sa nuclear energy upang mapagbuti ang suplay ng kuryente ng bansa.


10,000 household naman ang target pailawan ng DOE sa pamamagitan ng kanilang total electrification project na may pondong P500 million.


Habang para sa sitio electrification program ng national electrification administration, P1.6 billion ng funding ang ipinanukala para pailawan ang 1,085 na sito sa buong bansa.


Batay sa inilabas na schedule ng budget hearings, September 1, o sa susunod na Huwbes tatalakayin ang panukalang budget ng Dept of Energy kasama ang Energy Regulatory Commission.

No comments:

Post a Comment