Monday, August 22, 2022

OFFICE OF THE PRESIDENT, HUMIHILING NG KABUUANG ₱9.031 BILYONG PONDO PARA TAONG 2023 BATAY SA NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM

Kabuuang P9.031 billion pesos na budget ang hinihiling ng Office of the President para sa susunod na taon, batay sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program.


Mas mataas ito kumpara sa kasalukuyang 2022 budget ng OP na nasa P8.23 billion.


Malaking bahagi ng budget ng tanggapan ng pangulo ay para sa Maintenance and other operating expenses o MOOE na nagkakahalaga ng P6.87B.


P1.56B naman ang inilaan para sa Personal Services hababng P590 million ang para sa Capital Outlay.


Pinaglaanan din ng pondo ang retirement at life insurance premiums ng mga empleyado na nagkakahalaga ng P62.7 million.


Ang intelligence at confidential fund, nananatili sa halagang P4.5 billion.


Nakasaad sa NEP na ang intel expenses ay para sa intelligence information gathering ng uniformed at military personnel na may kaugnayan sa national security.


Habang ang confidential expenses naman, ay para sa surveillance activities sa mga civilian government agencies upang suportahan ang kanilang mandato at operasyon.

No comments:

Post a Comment