Idinaos ngayong Martes ng Komite ng Rural Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Masbate Rep. Wilton Kho ang pulong para sa pag-oorganisa sa kanilang lupon.
Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Kho kung papaano ang Komite at mga kinatawan, at mga ahensyang kasapi, ay maaaring magtulungan upang maiangat ang buhay ng kanilang mga nasasakupan.
Sinabi ni Kho na may walong panukalang batas na isinumite sa Komite, na nagtataguyod ng pananalapi sa kanayunan at literasiya; paglalaan ng mga programang tulong sa trabaho sa kanayunan at ang pagsasaayos ng panukalang batas, ang balik-probinsiya, at programa para sa bagong pag-asa.
Ipinakilala naman ni Committee Secretary Abigail Marie Apostol ang Komite at kanyang isinalaysay ang mga nagawa nito sa noong ika-18 Kongreso. Inaprubahan din ng Komite ang iminungkahing Committee Rules of Procedure.
Inanyayahan sa pagdinig ang Kagawaran ng Kalusugan (DA) at National Economic and Development Authority (NEDA) para pag-usapan ang kani-kanilang mga nagawa, layunin at programa, at mga hakbangin sa kaunlaran sa kanayunan.
Tinalakay ni NEDA Assistant Secretary Greg Pineda ng Regional Development Group, ang pangkalahatang ideya ng kaunlaran sa kanayunan sa Pilipinas, mga reporma sa patakaran at mga kaugnay na hakbangin, prayoridad na hakbang sa kaunlaran at adyenda sa lehislatura.
Samantala, sa kanyang presentasyon, inilarawan ni DA–Philippine Rural Development Project (PRDP) National Deputy Project Director Shandy Hubilla ang DA-PRDP, bilang isang World Bank-assisted national project ng DA, na naglalayong magtatag ng isang inklusibo, katatagan sa klima at nakatuon sa merkado na sektor ng agrikultura at pangisdaan, sa pamamagitan ng mga estratehikong pamumuhunan sa mga priority commodity value chain.
Sinabi ni Hubilla na katuwang ng DA-PRDP ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) at pribadong sektor sa pagbibigay ng pangunahing imprastraktura, negosyo, pasilidad, teknolohiya, at impormasyon.
No comments:
Post a Comment