Tuesday, September 30, 2025

🇵🇭📻 🎙️ NEWS AT PAGSUSURI

Pahayag

Speaker Faustino “Bojie” Dy III

1 Oktubre 2025


Ipinapaabot ng Kongreso ng Pilipinas ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng naapektuhan ng lindol sa Cebu at mga karatig-probinsiya.


Kasalukuyan tayong nagsasagawa ng koordinasyon sa mga ahensya at lokal na pamahalaan upang matiyak na maiparating ang kinakailangang tulong, partikular ang agarang serbisyong medikal at mga pangunahing pangangailangan, sa mga lugar na pinakatinamaan ng lindol. Nakipag-ugnayan na rin tayo sa mga kinatawan ng mga apektadong distrito upang suportahan ang kanilang pagsisikap na maihatid ang tulong sa kanilang nasasakupan.


Ang inyong Kongreso ay nakahandang maging katuwang sa pagbalangkas ng mga kinakailangang programa upang matulungan ang mga nasalanta at higit pang mapatatag ang kahandaan ng bansa laban sa mga darating pang sakuna.


Hindi nag-iisa ang ating mga kababayan sa gitna ng trahedyang ito. Kaisa at karamay ninyo ang buong sambayanan at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas sa pagbangon. ###


OOOOOOOOOOOOOOOOOO


ADIONG: ISINULONG NI LANAO DEL SUR 1ST DISTRICT REPRESENTATIVE ZIA ALONTO ADIONG ANG PAG-APRUBA SA ₱30.1 BILLION NA BUDGET NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) PARA SA FISCAL YEAR 2026.


ANG HALAGA AY BINUO NG ₱29.8 BILLION NA NEW APPROPRIATIONS AT ₱281 MILLION NA AUTOMATIC APPROPRIATIONS — MAS MATAAS NG 8% KUMPARA SA 2025.


BINIGYANG-DIIN NI ADIONG ANG MAHALAGANG PAPEL NG DFA SA PAGTATAGUYOD NG NATIONAL SECURITY, ECONOMIC INTERESTS,AT KAPAKANAN NG MGA OVERSEAS FILIPINOS. 


KABILANG SA MGA PRIORIDAD ANG PAMUMUNO NG PILIPINAS SA ASEAN SA 2026, ANG BID PARA SA NON-PERMANENT SEAT SA UN SECURITY COUNCIL SA 2027-2028, AT ANG PATULOY NA PAGTATAGUYOD SA SOBERANYA NG BANSA SA WEST PHILIPPINE SEA ALINSUNOD SA UNCLOS AT 2016 ARBITRAL AWARD.


ISINULONG DIN ANG PALAWAK NA SERBISYO NG DFA: 42 CONSULAR OFFICES SA BANSA, ONLINE SYSTEMS PARA SA PASSPORT AT APOSTILLE, AT BAGONG EMBASSY SA KAZAKHSTAN, GHANA, AT CONSULATE GENERAL SA MIAMI, FLORIDA.



ANALYSIS


ANG ₱30.1 BILLION NA BUDGET NG DFA AY HINDI LAMANG TUNGKOL SA DAYUHANG UGNAYAN, KUNDI ISANG PAMUMUHUNAN SA SOBERANYA AT KAPAKANAN NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT. SA HARAP NG LUMALALANG GEOPOLITICAL TENSION, PARTIKULAR SA WEST PHILIPPINE SEA, MALINAW NA ANG PINAIIGTING NA BADYET AY PARA PATATAGIN ANG TINIG NG PILIPINAS SA MUNDO. 


KUNG MAIPAPATUPAD ANG MGA LAYUNIN, MAGIGING MAS MALAPIT ANG PAMAHALAAN HINDI LAMANG SA MGA GLOBAL PARTNERS, KUNDI SA MGA PILIPINONG DIREKTANG NAKIKINABANG SA SERBISYO NG DFA.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


BENITEZ: NANAWAGAN SI BACOLOD LONE DISTRICT REP. ALBEE BENITEZ NA MULING SURIIN ANG DISASTER-WORTHINESS NG MGA GUSALI AT ISTRUKTURA NG PAMAHALAAN MATAPOS ANG MAGNITUDE 6.9 NA LINDOL NA YUMANIG SA CEBU NITONG MARTES NG GABI.


IGINIIT NI BENITEZ NA DAPAT NANG HARAPIN ANG LUMALAKING TAKOT AT DI-PAGTITIWALA NG MAMAMAYAN SA MGA GAWAING PAMPAHAYAGANG ISTRUKTURA NA MADALAS UMANO’Y SUBSTANDARD AT NAGBIBIGAY BANTA SA BUHAY AT KALIGTASAN TUWING MAY KALAMIDAD.


“DAPAT UNANG I-EXPOSE ANG MABABANG URI NG PAGGAWA, PARUSAHAN ANG MGA SALARIN, AT TIYAKING WALANG PAMPUBLIKONG GUSALI, DAAN O TULAY ANG MAGDUDULOT NG KAPAHAMAKAN,” GIIT NI BENITEZ.


BILANG LEAD CONVENOR NG VISAYAN BLOC, TINIYAK DIN NI BENITEZ NA NAKAHANDA SILANG MAGHATID NG TULONG SA MGA NASALANTA.


AYON SA CEBU PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE, NASA 69 ANG KUMPIRMADONG NAMATAY AT MAHIGIT 150 ANG NASUGATAN.



ANALYSIS


ANG PANAWAGAN NI BENITEZ AY ISANG MALAKAS NA HAMON SA PAMAHALAAN: HINDI LAMANG RELIEF ANG DAPAT PAGTUUNAN KAPAG MAY TRAHEDYA, KUNDI ANG MASUSING PAGTITIWALA NG TAO SA MGA GINAGAWANG ISTRUKTURA. ITO’Y USAPIN NG ACCOUNTABILITY SA MGA KONTRATISTA AT OPISYAL NA NAGTUTULAK NG MGA SUBSTANDARD PROJECTS. 


KUNG HINDI ITO MABABAGO, MANANATILI ANG TAKOT NG PUBLIKO AT LULUBHA ANG PINSALA SA BAWAT KALAMIDAD.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER: NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SI SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III SA MGA PAMILYA NG NASAWI AT NAAPEKTUHAN NG MALAKAS NA LINDOL SA CEBU AT MGA KARATIG-PROBINSIYA.


AYON SA KANYANG PAHAYAG NITONG OKTUBRE 1, KASALUKUYANG NAGKAKAROON NG KOORDINASYON ANG KONGRESO SA MGA AGENSIYA NG PAMAHALAAN AT MGA LOKAL NA OPISYAL UPANG MAIPAABOT ANG AGARANG SERBISYO—KABILANG ANG MEDIKAL NA TULONG AT MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN—SA MGA LUGAR NA PINAKAMATINDING NAPERWISYO.


NAKIPAG-UGNAYAN NA RIN ANG MGA KINATAWAN NG MGA APEKTADONG DISTRITO UPANG SUPORTAHAN ANG RELIEF OPERATIONS.


GIIT NI DY, HANDA ANG KONGRESO NA MAGBALANGKAS NG MGA PROGRAMA PARA SA MGA NASALANTA AT PARA SA MAS MABISANG KAHANDAAN SA MGA DARATING PANG SAKUNA.



PAGSUSURI


MAHALAGA ANG MENSAHENG ITO MULA SA SPEAKER—HINDI LAMANG PAGPAPARAMDAM NG PAKIKIRAMAY KUNDI PATUNAY NA NAKAHANDA ANG KONGRESO NA TUMULONG SA RELIEF AT REHABILITATION.


GAYUNMAN, ANG TUNAY NA HAMON AY NASA PAGPAPATUPAD: MAKAKARATING BA AGAD ANG TULONG SA MGA NANGANGAILANGAN O MAUURONG SA BAGAL NG BURUKRASYA?


ANG MGA KAGANAPANG TULAD NITO AY MULING NAGPAPAALALA NA KAILANGANG PATATAGIN ANG DISASTER PREPAREDNESS SYSTEM NG BANSA.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


ODUCADO: ISINUSULONG NGAYON NI 1-TAHANAN PARTY LIST REPRESENTATIVE NATHANIEL “ATTY. NATS” ODUCADO ANG HOUSE BILL NO. 5009 NA LAYONG MAGKALOOB NG MGA BENEPISYO PARA SA MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA.


SA ILALIM NG PANUKALA, MAGKAKAROON SILA NG AGRICULTURAL PENSION PROGRAMS UPANG MATUGUNAN ANG KAWALAN NG SOCIAL SECURITY AT PENSION SA DALAWANG SEKTOR NA ITO, NA ITINURING NA “MOST ECONOMICALLY VULNERABLE” SA BANSA.


BINIGYANG-DIIN NI ODUCADO NA BAGAMA’T MALAKI ANG KONTRIBUSYON NG MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA SA FOOD SECURITY AT EKONOMIYA NG PILIPINAS, NANANATILI SILANG NASA HANAY NG PINAKA-MAHIHIRAP NA GRUPO.


AYON SA PSA, NOONG 2023 AY NASA 27.03% ANG POVERTY INCIDENCE NG MGA MAGSASAKA, SAMANTALANG NASA 27.4% NAMAN ANG MGA MANGINGISDA — KABILANG SA “TOP THREE POOREST GROUPS” SA LIPUNAN.


KASAMA SA PROPOSISYON ANG PENSIYON, SOCIAL SECURITY, PHILHEALTH, AT EDUCATIONAL SCHOLARSHIP PARA SA MGA ANAK NG MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA.



ANALYSIS


ANG PANUKALANG ITO AY NAGTUTUON SA MATAGAL NANG PANGARAP NG MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA — ANG MATAMO ANG BENEPISYO AT SIGURIDAD NA MADALAS AY NAIPAGKAKAIT SA KANILA. 


HINDI LAMANG ITO ISYU NG KAPAKINABANGAN, KUNDI ISANG KILALANIN NA ANG PUSO NG EKONOMIYA NG BANSA AY ANG AGRIKULTURA AT PANGINGISDA. 


KUNG MAIPAPATUPAD, MAKAKATULONG ITO HINDI LAMANG SA PAG-AHON NG MGA PAMILYANG PILIPINO KUNDI PATI SA MAS MATABAY NA SUPORTA SA FOOD SECURITY.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


DIOKNO: AKBAYAN PARTYLIST REP. CHEL DIOKNO NANAWAGAN SA DEPARTMENT OF HEALTH NA TUGUNAN ANG MGA SULIRANIN SA HEALTH FACILITIES ENHANCEMENT PROGRAM O HFEP. 


SA PAGTATALAKAY NG DOH BUDGET, BINIGYANG-DIIN NI DIOKNO NA MALAKING PERA NA ANG NAITALAGA—P170 BILLION PARA SA INFRA AT EQUIPMENT SA NAKALIPAS NA DEKADA, AT UMAABOT NG P400 BILLION KUNG ISASAMA ANG KOMODITI AT HUMAN RESOURCES. 


SUBALIT AYON KAY DIOKNO, SA 600 HEALTH CENTERS, 200 LANG ANG TUNAY NA GUMAGANA.


IGINIIT DIN NIYA NA HINDI NAAGARANG SINUNOD NG DOH ANG MGA REKOMENDASYON NG COMMISSION ON AUDIT NOONG 2017 PARA SA MAS MAHIGPIT NA PROCUREMENT AT MONITORING. 


BINATIKOS DIN NIYA ANG HINDI PANTAY NA PAMAMAHAGI NG HFEP FUNDS, KUNG SAAN PATI MAYAYAMANG LGU AY NABIBIGYAN NG PONDO.


KASABAY NITO, NANAWAGAN SI DIOKNO NA PAGLAANAN DIN NG SAPAT NA BUDGET ANG HEALTH-BASED APPROACH SA ANTI-DRUG CAMPAIGN, NA KASUNDUAN NI PANGULONG MARCOS JR.



ANALYSIS


MALINAW ANG PUNTO NI DIOKNO: MALAKI ANG PONDO NG HFEP, NGUNIT KULANG SA RESULTA. 


ANG NAUURONG AY ANG MAHIHIRAP NA PILIPINO NA UMAASA SA MGA BARANGAY HEALTH STATIONS AT RURAL HEALTH UNITS. 


ANG HINDI PAGTUPAD NG DOH SA REKOMENDASYON NG COA NOONG 2017 AY NAGPAPAKITA NG SISTEMIKONG KAHINAAN SA PAMAMAHALA. 


SA PUNTO NG MAKATAONG ANTI-DRUG APPROACH, MAHALAGA ANG PAGPONDO SA REHABILITATION CENTERS NA KASALUKUYANG MAY 97-98% UTILIZATION RATE. 


ANG TANONG: SA BAGONG BUDGET, MABABAGO NA BA ANG SITWASYON, O MAGIGING PAULIT-ULIT NA LANG ANG MGA PUNA?


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️TRES MARIAS: NAGHAIN NG KAUNA-UNAHANG PANUKALANG BATAS SA KAMARA ANG TINAGURIANG “L.P. TRES MARIAS” NG LIBERAL PARTY — SINA REP. CIELO KRISEL LAGMAN NG ALBAY, KAKA BAG-AO NG DINAGAT ISLANDS, AT LEILA DE LIMA NG MAMAMAYANG LIBERAL PARTYLIST.


ANG PANUKALA AY NAGTUTUON SA KARAPATAN SA KALUSUGAN AT LAYONG PIGILAN ANG SOBRANG PAGKONSUMO NG MGA MATATAMIS NA INUMAN O SWEETENED BEVERAGES.


SA PAMAMAGITAN NG PAG-AMYENDA SA TRAIN LAW, ITATAAS ANG BUWIS SA MGA INUMANG MATATAMIS, PALALAWAKIN ANG SAKLAW NG MGA PRODUKTONG SASAKUPIN, AT TITIYAKIN NA ANG MALAKING BAHAGI NG MALILIKOM NA PONDO AY MAPUPUNTA SA MGA PROGRAMA LABAN SA MALNUTRISYON, MALINIS NA TUBIG, AT KALINISAN.


BINIGYANG-DIIN NG MGA MAMBABATAS NA ANG KALUSUGAN AY HINDI GASTOS KUNDI ISANG PAMUMUHUNAN PARA SA BUHAY NG BAWAT PAMILYANG PILIPINO.




🎙️ ANALYSIS


MALINAW NA ANG L.P. TRES MARIAS AY NAGSISIMULA SA ISANG ADBOKASIYANG MALAPIT SA SIKMURA NG MGA PILIPINO: ANG KALUSUGAN. 


ANG PANUKALANG SWEETENED BEVERAGE TAX AY HINDI LAMANG PARA MAKADAGDAG KITA SA PAMAHALAAN KUNDI UPANG PIGILAN ANG LUMALALANG OBESITY, DIABETES, AT SAKIT SA PUSO NA NAGIGING PASANIN NG BANSA.


KUNG MATUTUPAD ANG NAKASAAD SA BILL, MAARING MAIBSAN ANG MGA HOSPITAL EXPENSES AT LUMAKI ANG INVESTMENT SA MALNUTRISYON PROGRAMS. 


NGUNIT TIYAK NA MAY TUTOL NA INDUSTRIYA, LALO NA ANG MGA KUMPANYANG NAKADEPENDE SA BENTA NG MGA MATATAMIS NA INUMAN.


ANG HAMON NGAYON: MAPAPANATILI BA NG KONGRESO ANG BALANSE SA KITA NG NEGOSYO AT KALUSUGAN NG TAO? 


SA HULI, ANG BATAS NA ITO AY MAITUTURING NA “WIN-WIN” KUNG MAIPAPATUPAD NANG MAAYOS AT HINDI LAMANG MAGIGING ISA NA NAMANG BUWIS NA PAPASANIN NG MGA KONSYUMIR.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER:  PINANGUNAHAN NI SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III ANG UNANG PAGPUPULONG NG LEGISLATIVE-EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL O LEDAC PARA SA 20TH CONGRESS SA MALACAÑANG.


DITO AY IGIINIIT NG KAMARA ANG PAGDARAGDAG NG WALONG BAGONG REPORMANG PANUKALA SA LEDAC PRIORITY AGENDA KASAMA ANG DISASTER RISK FINANCING FRAMEWORK, PAGPAPALAKAS SA BCDA, PRESIDENTIAL MERIT SCHOLARSHIP PROGRAM, AT BILL NA MAGDI-DISQUALIFY SA MGA KAMAG-ANAK NG OPISYAL HANGGANG FOURTH DEGREE SA MGA KONTRATA SA PAMAHALAAN.


KABILANG DIN ANG FAIR USE OF SOCIAL MEDIA AT AI SA ELEKSYON, MODERNIZATION NG BUREAU OF IMMIGRATION, RICE ACT PARA SA PRICE STABILIZATION AT MAS MALAKAS NA PAPEL NG NFA, AT MAGNA CARTA FOR BARANGAYS.


BINIGYANG-DIIN NI DY NA ANG MGA PANUKALA AY NAKASANDIG SA ECONOMIC GROWTH, SOCIAL PROTECTION, AT GOVERNANCE REFORMS.



PAGSUSURI


MAKIKITA ANG MALINAW NA DIREKSYON NG KAMARA NA IPAREHAS ANG MGA REPORMA SA ADMINISTRASYON NI PBBM AT SA 8-POINT SOCIOECONOMIC AGENDA.


ANG MGA PANUKALA AY HALATANG TUMUTOK SA MGA SENSITIBONG ISYU: TRANSPARENCY, FOOD SECURITY, AT DIGITAL TRANSFORMATION.


SUBALIT ANG TANONG: KAYANG ISABATAS BA AGAD ANG LAHAT NG ITO O MANANATILI LANG SA LEDAC LIST? ANG TUNAY NA PAGSUBOK AY NASA IMPLEMENTASYON, HINDI LANG SA PRIORITIZATION.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER: IGINIIT NI HOUSE SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III NA ANG PAGBIBITIW NI REP. ZALDY CO AY HINDI NANGANGAHULUGAN NG PAGKAKALAYA SA PANANAGUTAN.


AYON KAY SPEAKER DY, KUNG HINDI UMUWI SI CO SA TAKDANG PANAHON, SIYA AY SUSPENDIDO NA AT POSIBLENG NA-EXPEL PA NG KAMARA.


NAGULAT SI DY NANG IHARAP NI AKO BICOL REP. PIDO GARBIN ANG RESIGNATION LETTER NI CO, KUNG SAAN NAKATAKDANG UMUSAD ANG ETHICS COMMITTEE SA PAGDISIPLINA.


BINIGYANG-DIIN NG SPEAKER NA BAGAMA’T WALA NA SI CO SA KAMARA, KAILANGAN PA RIN ITONG BUMALIK AT HARAPIN ANG MGA ALEGASYON.


NAIS NIYANG MAKAUSAP SI DOJ SECRETARY CRISPIN REMULLA UPANG MATIYAK ANG AGARANG PAG-UWI NI CO, KATUWANG ANG INDEPENDENT COMMISSION ON INFRASTRUCTURE (ICI).



PAGSUSURI


MALINAW NA GUSTO NI SPEAKER DY NA IPARAMDAM SA PUBLIKO NA HINDI MAKAKATAKAS SI CO SA PANANAGUTAN.


SUBALIT ANG HAMON AY NAKASALALAY SA DOJ AT ICI KUNG PAPANO MAPIPILIT SI CO NA HUMARAP SA MGA IMBESTIGASYON.


KUNG ANG RESIGNATION AY MAGIGING TAKAS LAMANG SA PARUSA, MAGIGING MASAMANG PRESEDENTE ITO SA KONGRESO.


KAYA ANG MENSAHE NG SPEAKER: ANG RESIGNATION AY HINDI ABSOLUSYON. DAPAT MANAGOT SI CO.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


FRASCO: BINIGYANG-DIIN NG MGA KRITIKO NA ANG PAGBIBITIW NI AKO BICOL PARTYLIST REP. ZALDY CO AY HINDI MAKAKAPAGTAKIP SA MGA UMANOY PAGLABAG AT ABUSO.


SA ILALIM NG SECTION 141 (H) NG HOUSE RULES, IPINAGBABAWAL SA MGA MIYEMBRO ANG MAGKAROON NG PERSONAL PECUNIARY INTEREST SA MGA NEGOSYO NA DIREKTANG MAKIKINABANG SA MGA BATAS O RESOLUSYONG ISINUSULONG NILA.


NGUNIT BILANG SHAREHOLDER NG MGA CONSTRUCTION FIRM NA NAKAKUHA NG MGA KONTRATANG PONDO NG GAA, MALINAW NA LUMABAG SI CO SA ALITUNTUNIN.


ANG KANYANG PAGBIBITIW AY NAKAPAG-IWAS SA PARUSA NG KAMARA PERO NAG-IWAN NG MALAKING TANONG: BAKIT PATULOY NA NAKIKINABANG ANG AKO BICOL PARTYLIST NA GINAMIT UMANO BILANG KASANGKAPAN SA MGA ABUSO?



PAGSUSURI


ANG PUNTO NG MGA OBSERVER: HINDI PWEDE NA TAO LANG ANG MANAGOT HABANG NAGPAPATULOY NA MALAYA ANG PARTIDO O ORGANISASYON NA NAGING KASANGKAPAN SA ANOMALYA.


KUNG HINDI SASAMPOLAN ANG AKO BICOL PARTYLIST, MAGIGING PRESEDENTE ITO NA PWEDE LANG MAG-RESIGN ANG MGA MIYEMBRO PARA MAKATAKAS SA PANANAGUTAN.


PARA SA TUNAY NA ACCOUNTABILITY AT INTEGRITY NG INSTITUSYON, DAPAT RIN ITONG IMBESTIGAHAN AT KUNG NARARAPAT, IDISQUALIFY.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” G. DY III & REP. JC ABALOS

September 29, 2025


OOOOOOOOOOOOOOOOOO


QUESTION: ... today yung ultimatum nyo kay Cong. Zaldy Co pero sa

araw na ito inihain nya ang kanyang resignation ano po ang masasabi the

timing at ano po ang mangyayari sa ethics complaint against him?

SPEAKER DY: Actually, hinihintay po namin hanggang 12 midnight. Itong

pag-submit sa amin, pagbigay ni Congressman Pido Garbin ng kanyang

resignation, kami lahat ay nabigla. Sapagkat ang usapan, kausap natin

ang Chair ng Ethics na by tomorrow ay ia-address na ng kanyang

committee. At ang next step namin sana ay i-suspend namin si

Congressman Zaldy Co at kung hindi pa rin siya makipag-cooperate

hanggang umabot na ma-expel pero nag-hain nga ng kanyang

resignation. Kaya ang tingin naming dito ay bahala na ang Department of

Justice at ganun din ang ICI kung anong pwede nilang ipataw. Pero

kailangan talagang bumalik siya e, sa lahat ng paraan na magawa, dapat

mapabalik siya at managutan siya sa mga issues laban kay Congressman

Zaldy Co.

REP. ABALOS: Magandang magandang gabi po. Kaninang umaga

nagkaroon po ng meeting ang Committee on Ethics at tinalakay po

naming ang bawat kaso na nakasampo po sa aming Committee at

kabilang na po dito ang kas oni former Congressman Zaldy Co. Kanina po

nagkaroon po kami ng initial discussion at tulad ng nasabi po ni Speaker,

handa po yung committee. Inaabangan po namin ang kanyang response

by 12am midnight. And kanina po naka-receive kami ng letter kung saan

ipinapahatid niya ang kanyang resignation.

Q: Cong., pwede po ba malamang kung ano exactly yung mangyayari

dun sa mga ethics complaints laban kay Congressman Zaldy Co dahil nga

po nagresigned na siya. Magpapatuloy pa rin po ba ito? You mentioned

kanina, Speaker, that it will all depend on the Department of Justice

already or the ICI. Ibig sabihin po ba nito wala nang hold ang Committee

on Ethics sa kanya?

SPEAKER DY: Yeah. Since nagresigned na SI Congressman Zaldy Co.

Wala ng, ikan ga Karapatan ang Kongreso para maimbitahan siya at

maanyayahan para umattend sa Committee ng Ethics


REP. ABALOS: Thank you, Ma’am Mariz sa inyong katanungan. Ayon po sa

section 2 ng Internal Rules ng Committee on Ethics, the Committee on

Ethics has jurisdiction over duties, conducts, immunities, rights, as well as

the reputation and integrity of the House and any of its members. Since

naipahatid na po ni former Congressman Co ang kanyang resignation, in

effect, nawalan po ng jurisdiction ang Committee on Ethics. Kaso lang po,

kahit na wala ng jurisdiction ang Committee on Ethics, hinihikayat rin po

sana naming na harapin po niya ang mga kasong hinaharap niya dahil

serious po ang mga allegations na ito.

Q: Wala pa po ni isa sa inyo na nakausap siya, even over the phone,

where he is, his whereabouts…

SPEAKER DY: Wala po…

Q: But you’ve tried to connect to him?

SPEAKER DY: Sinubukan namin through Cong. Pido Garbin na kung

maaari ay makipag-communicate sa amin at malaman namin kasi

nagbigay siya ng mga sulat sa amin na sinasabi niya na may mga medical

reason na kung bakit hindi siya makauwi. Ang inapplyan niyang leave sa

Secretary General ay personal leave, hindi naka-specify doon medical

leave. Kaya hinihiling din namin sana suportahan niya yung sinasabi

niyang medical reason na kung bakit di siya makuwi. Sana malang

nagbigay ng medical certificate or ganoon. Wala kaming nakikita na

ganun kaya naman kami, kaya binigyan namin siya talaga ng deadline na

kailangang umuwi siya by all means itong September 29.

Q: So, Speaker, as far as your concern and for the record, hindi natin

alam kung nandito na siya sa Pilipinas o nasa ibang bansa pa siya…

SPEAKER DY: Tama ka dyan.

Q: at this point as we speak…

SPEAKER DY: Yes, tama ka dyan. Kung nandito yan sa bansa o hindi. And

we can check naman kung meron na sa entry sa immigration kung

nakapasok siya sa ating bansa.

Q: And based on your checking, wala pa?

SPEAKER DY: Wala pa naman.

Q: Wala pang pumapasok dito sa bansa na Zaldy Co. And Speaker, sorry,

dagdag ko na lang din po. Kailangan po bang i-manifest at pormal na

tanggapin ng plenaryo yung resignation ni Cong. Zaldy Co bago ito

maging epektibo and paano po pipiliin? Can you just walk us through the


process kung paano pipiliin at kailan itatalaga yung magiging kapalit ni

Cong. Zaldy Co lalo na bilang dating chairman ng makapangyarihang

Committee on Appropriations.

SPEAKER DY: Kung itatalaga tungkol sa Chairmanship ng Appropriations,

alam naman natin na meron tayong bagong Chairperson ng Committee on

Appropriations, si Cong. Mika Suansing. Pero as far as kung mapapalitan

ba siya kasi partylist, AkoBicol partylist, iyung kanyang, wala pang

napapag-usapan tungkol diyan.

Q: Pero kailangan po bang tanggapin sa plenaryo o hindi na?

SPEAKER DY: I think, ima-manifest, sa tingin ko. Anong tingin mo dyan,

Cong?

ABALOS: Maraming, maraming salamat muli sa inyong katanungan. Of

course ayoko pong pangunahan ang members ng House kung sino po ang

papalit kay former Cong. Zaldy Co. And at the same time po, ma'am

Mariz, naniniwala rin po ako na ngayon nasa kalagitnaan po tayo ng

budget deliberation at para sa akin lang po mas malaking priority ang

pagpasa po at pagtutok sa ating budget process. But eventually,

naniniwala po ako na kung magkakaroon man sana ng kapalit si former

Cong. Zaldy Co, sana ano ho, mabigyan po tayo ng miyembro ng House

na tutugunan ang kanyang trabaho na maigi.

Q: In terms of the question whether it has to be manifested in the

plenary, hindi na ba kailangan o when he already submitted his

resignation its as good as that, ganun na yun?

DY: Katulad ng sinabi ni Cong. JC Abalos, ngayon ang priority ng ating

Congress ay maipasa ang malinis na budget para ito ay maidala na natin

sa Senado at pag-uusapan pa ng House leadership kung ano ang

magiging pasya tungkol dito sa development sa pag-re-resign ni

congressman Zaldy Co.

Q: Just to clarify, you have accepted the resignation?

DY: Yes, tinanggap namin ang kanyang resignation. Kaya nga kailangan

mapag-usapan ng House leadership kung papano ma-address properly

ang kanyang resignation.

ABALOS: In addition, sa sagot ng ating Speaker nakalagay din sa ating

Constitution na pinagbabawal ang involuntary servitude. So, kung meron

tayong myembro ng House na tingin nya ayaw na nya magsilbi bilang

katawan ng Kongreso walang pumipigil sa kanya sa paghintulot sa

kanyang trabaho kung ayaw na niya


Q: Sir, on a personal note, did you feel na parang it’s an evasion of

accountability or the House’s call for accountability tsaka sir paharap na

lang daw sa camera pag sasagot.

ABALOS: Para sa akin, yung evasion of accountability, wala naman yan

kung myembro ka ng House o hindi because in any case the Committee

on Ethics is not the only area for recourse or justice. In any case, anyone

can still file a civil or criminal case against any member or against any

former member of the House of Representatives. Kaya kahit na nag-

resign si former congressman Zaldy Co, that doesn't exempt him from

accountability.

Q: inaudible

DY: Una hindi ako kasama nyo sa 19th Congress, maybe si Cong. JC?

Q: inaudible

ABALOS: Sa lahat ng mga bagay na ginagawa po namin bilang isang

mambabatas, meron pong presumption of regularity, and for the longest

time kami po dito sa House of Representatives ginagalang po namin ang

mga proseso nila sa Upper Chamber. So, kami sa House of

Representatives, regardless kung ano ang paratang sa amin o maski sino

sa aming miyembro we will continue to be committed on what we do and

we would focus now on more important matters which is the budget

process po.

We want to ensure for our budget sa parating na taon sa 2026, tama po

ang maipapasa natin ditong mga bagay at mga necessary amendments at

kung magkakaroon po tayo ng mga reforms sa ating budget process at

least magkakaroon po tayo ng panukala tungkol dyan. So nandun po

yung focus namin at gusto po naming iwasan magbato ng mga baseless

na akusasyon sa mga miyembro ng Upper chamber at iyan po ang

tinatawag natin na parliamentary courtesy.

EMCEE: maraming salamat po sa pagdalo ng presscon na ito. END ###


OOOOOOOOOOOOOOOOOO


YAMSUAN: KINALAMPAG NI PARAÑAQUE 2ND DISTRICT REP. BRIAN RAYMUND YAMSUAN ANG TESDA UPANG MAG-ALOK NG MGA “FUTURE-READY” COURSES NA MAKAKATULONG LABANAN ANG JOBS MISMATCH SA BANSA.


ISINULONG NIYA ANG HOUSE BILL 4037 NA MAGPAPALAWAK SA MGA PROGRAMA NG TESDA PARA ISAMA ANG DIGITAL SKILLS AT EMERGING TECHNOLOGIES TULAD NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE, SOFTWARE DEVELOPMENT, GAME DESIGN, CYBERSECURITY, DIGITAL MARKETING, ROBOTICS AT 3D PRINTING.


BINIGYANG-DIIN NI YAMSUAN NA SA GITNA NG PATULOY NA PAGBABAGO NG LABOR MARKET, DAPAT MAKAPAGHANDA ANG MGA MANGGAGAWA SA PAMAMAGITAN NG REGULAR NA PAG-UPDATE NG TESDA COURSES TUWING TATLONG TAON UPANG HINDI MAIWAN NG TEKNOLOHIYA.


BINANGGIT NIYA ANG ULAT NG PHILIPPINE INSTITUTE OF DEVELOPMENT STUDIES NA NAGPAPAKITANG MARAMING YOUNG WORKERS ANG NAGIGING UNDEREMPLOYED, HABANG 39% NG MANGGAGAWA ANG OVERQUALIFIED AT 29% ANG KULANG SA KASANAYAN.



PAGSUSURI


TAMA ANG DIIN NI YAMSUAN: ANG TRABAHO NG HINAHARAP AY DIGITAL. 


HINDI LANG BASIC SKILLS ANG DAPAT IPINU-PUSH NG TESDA KUNDI ANG MGA ADVANCED TECHNOLOGIES NA KAILANGAN NG INDUSTRIYA.


KUNG MAIPAPATUPAD NANG MAAYOS, MAKAKATULONG ITO SA PAGBAWAS NG UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT, AT MAGIGING SUSI PARA MAGING GLOBALLY COMPETITIVE ANG FILIPINO WORKFORCE.


NGUNIT ANG TUNAY NA HAMON: KAYA BA NG TESDA ANG MALAKING INVESTMENT SA EQUIPMENT, TRAINERS, AT INFRASTRUCTURE PARA TOTOHANANG MAIHANDA ANG MANGGAGAWANG PILIPINO SA DIGITAL ECONOMY?


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


BONDOC: INAPRUBAHAN NA ANG 2026 BUDGET NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA).

ANG ORIHINAL NA P176.7 BILLION AY NADAGDAGAN NG P39.4 BILLION SA PAMAMAGITAN NG BUDGET AMENDMENT REVIEW SUBCOMMITTEE (BARSc).


KASAMA SA AUGMENTATION ANG MGA PROYEKTO TULAD NG FARM-TO-MARKET ROADS, COLD STORAGE FACILITIES, SOLAR-POWERED IRRIGATION, CROP INSURANCE, AT COCONUT PLANTING PROGRAM.


MAY DAGDAG SUPORTA RIN PARA SA FARM-TO-MILL ROADS NG MGA SUGAR PRODUCERS, POSTHARVEST FACILITIES, TRANSPORTATION EQUIPMENT, FISH PORTS, AT MGA PROYEKTO PARA SA SOIL HEALTH.


BINIGYANG-DIIN NI PAMPANGA REP. ANNA YORK BONDOC NA ITO AY PATUNAY NG MALAKAS NA KOMITMENTO NG PAMAHALAAN SA FOOD SECURITY AT SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA.



PAGSUSURI:


MALINAW NA ANG DAGDAG NA PONDO AY TUMUTUGON SA MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN SA AGRIKULTURA—INFRASTRUCTURE, IRIGASYON, AT POSTHARVEST SUPPORT.



SUBALIT ANG TANONG: MATITIKMAN BA TALAGA NG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA ANG BENEPISYO NITO, O MABABAHID NA NAMAN NG RED TAPE AT ANOMALYA?



KUNG MAGIGING TAMA ANG IMPLEMENTASYON, MALAKING HAKBANG ITO PARA SA FOOD SECURITY NG BANSA. 


PERO KUNG MAGKAKAROON NG KORAPSYON SA PROYEKTO, SAYANG ANG BILYON-BILYONG PONDO.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️ ROMUALDEZ: “WALANG BAGO, WALANG KATOTOHANAN” — ITO ANG MATINDING BUWELTA NI LEYTE 1ST DISTRICT REP. MARTIN ROMUALDEZ MATAPOS ITURO SIYA NI SENADOR CHIZ ESCUDERO NA UMANOY NANINIRA SA MGA SENADOR UPANG ILIHIS ANG ISYU NG FLOOD-CONTROL ANOMALYA.


TINAWAG NI ROMUALDEZ NA ISANG “DDS SCRIPT” ANG PRIVILEGE SPEECH NI ESCUDERO, NA HINDI RAW EXPOSE KUNDI PAULIT-ULIT NA PARATANG NA UNA NANG KUMALAT SA TROLL PAGES AT SOCIAL MEDIA.


IGINIIT NI ROMUALDEZ NA HINDI DIRETSONG TINANGGI NI ESCUDERO ANG MGA ALEGASYON NG PAGKAKADAWIT NITO SA FLOOD-CONTROL KICKBACKS. 


SA HALIP, NANISI RAW ITO NG IBA.


PANINIWALA NI ROMUALDEZ, ISANG “PERFORMANCE” LAMANG ANG TALUMPATI NG SENADOR PARA IPAMALAS ANG KATAPATAN KAY VP SARA DUTERTE BILANG PAGHAHANDA SA 2028 ELECTIONS.



📊 PAGSUSURI


ANG BANGGAAN SA PAGITAN NINA ROMUALDEZ AT ESCUDERO AY NAGPAPAKITA NG MATINDING POLITIKAL NA HIDWAAN. 


IMBES NA TUTOKAN ANG EBIDENSYA SA FLOOD-CONTROL PROJECTS, NAGING BENTAHAN NG PATUTSADA AT PAMPULITIKANG AMBISYON ANG USAPAN.


ANG HAMON NGAYON: KAILANGANG MAGLABAS NG KONKRETONG EBIDENSYA ANG MGA NAG-AKUSA, SAPAGKAT ANG TAUMBAYAN ANG NAIIWANG LITO SA GITNA NG PULITIKAL NA BANGGAAN.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️ROMUALDEZ: MATAPOS ANG PRIVILEGE SPEECH NI SENADOR CHIZ ESCUDERO, ISANG MATINDING PAGKONTRA ANG IPINARATING NG KAMPO NG KONGRESO. GIIT NILA, HINDI ITO ISANG EXPOSE KUNDI ISANG “DDS SCRIPT” LAMANG NA PAULIT-ULIT NA PARATANG NA MATAGAL NANG LUMALABAS SA TROLL PAGES AT SOCIAL MEDIA.


BINATIKOS DIN ANG SENADOR DAHIL SA PAG-IWAS UMANO SA MGA SERYOSONG TANONG TUNGKOL SA KANYANG SARILING PAPEL SA FLOOD-CONTROL KICKBACKS. 


HINDI RAW NIYA DIRETSONG TINANGGI ANG MGA PARATANG LABAN SA KANYA AT SA HALIP AY NANISI PA NG IBA.


GIIT NG KONGRESO, ANG TALUMPATI NI ESCUDERO AY PARA SA PERSONAL NA AMBISYON AT PAGPAPAKITA NG KATAPATAN KAY VP SARA DUTERTE, BILANG PAGHAHANDA SA 2028.



📊 RADYO PAGSUSURI


MALINAW NA ANG PRIVILEGE SPEECH AY NAGING ENTABLADO NG PULITIKAL NA PAMUMULITIKA IMBES NA PAGSUSURI SA KATOTOHANAN. 


KUNG WALANG KONKRETONG EBIDENSYA, NANANATILI ITONG PAMPOLITIKANG PAMBOBOLA.


ANG PUBLIKO ANG DAPAT HUSGA SA HULI: SINO ANG TALAGANG MAY MALINIS NA RECORD AT SINO ANG GUMAGAMIT LAMANG NG TALUMPATI PARA SA SARILING INTERES?


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️ROMUALDEZ: MATINDI ANG PAGTANGGI NI DATING SPEAKER FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ SA MGA ALEGASYON NI BISE PRESIDENTE SARA DUTERTE NA INIUUGNAY SIYA SA ILEGAL NA SUGAL AT UMANOY PAGHATID NG MALALAKING HALAGA NG PERA.


GIIT NI ROMUALDEZ, “HINDI TOTOO NA AKO’Y TUMATANGGAP MULA SA ILEGAL NA SUGAL.” ANIYA, ANG MGA KWENTO UKOL SA MGA UMANOY “SUITCASES OF CASH” AY PURONG KATHANG-ISIP AT WALA NAMANG EBIDENSYANG NAIPAPAKITA.


TINANGGI RIN NIYA ANG KONEKSYON SA ISYUNG OKADA/DELAWARE DISPUTE, SABING HINDI SIYA KASALI, HINDI INIIMBESTIGAHAN, AT HINDI AKUSADO.


KASABAY NITO, BINANATAN NI ROMUALDEZ ANG BISE PRESIDENTE, NA KAMAKAILAN LAMANG AY NA-IMPEACH NG KAMARA, AT SINABING KUNG ANG PINAGMUMULAN NG PARATANG AY MAY SIRANG KREDIBILIDAD, BAKIT PA PANINIWALAAN?



📊 RADYO PAGSUSURI


ANG PALITAN NG MATINDING AKUSASYON AY LALONG NAGPAPAINIT SA PULITIKAL NA TENSYON SA BANSA. 


HABANG TUMITINDI ANG MGA PARATANG, NANANATILING MALAKI ANG PAPEL NG EBIDENSYA UPANG MALIWANAGAN ANG PUBLIKO.


SA HULI, ANG PINAKAMAHALAGA AY ANG PAGKATIWALA NG BAYAN — KUNG WALANG EBIDENSYA, MANANATILI ITONG USAP-USAPAN LAMANG NA NAGPAPALALA SA PULITIKAL NA HIDWAAN.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️ROMUALDEZ: MULI NA NAMANG UMIINIT ANG PALITAN NG BATIKOS MATAPOS DIRINGGIN ANG MGA ALEGASYON NI BISE PRESIDENTE SARA DUTERTE LABAN SA ISANG KONGRESISTA. 


DIRETSOHANG ITINANGGI NG KONGRESISTA ANG MGA PARATANG NA UMANO’Y TUMATANGGAP SIYA NG PERA MULA SA ILEGAL NA SUGAL.


GIIT NIYA, ANG MGA KWENTO TUNGKOL SA “SUITCASES OF CASH” AY PURONG KATHANG-ISIP AT HANGGANG NGAYON, WALANG EBIDENSYA NA NAIPAPAKITA — PAULIT-ULIT LAMANG ANG MGA SABI-SABI.


KAUGNAY NAMAN NG ISYUNG OKADA/DELAWARE, IGIIT NIYA NA HINDI SIYA KASALI, HINDI INIIMBESTIGAHAN, AT HINDI AKUSADO SA KASONG IYON, NA ANILA’Y AWAY LAMANG NG DALAWANG NEGOSYO.



📊 RADYO PAGSUSURI


MALINAW NA LUMALALIM ANG BANGGAAN SA PAGITAN NG MGA PINUNONG POLITIKAL. 


ANG PAGGAMIT NG MGA BIGATING PARATANG TULAD NG ILEGAL NA SUGAL AY MALAKING DAGOK SA CREDIBILIDAD, NGUNIT KUNG WALANG MATIBAY NA EBIDENSYA, ITO’Y NANANATILING PULITIKAL NA INTRIGA.


ANG HAMON NGAYON: ANG PUBLIKO AY DAPAT MAGING MAPANURI — HUWAG BASTA MANIWALA SA SABI-SABI, KUNDI HUMINGI NG EBIDENSYA AT KATOTOHANAN.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


🎙️ ORTEGA: DEPUTY SPEAKER PAOLO ORTEGA V, NAGPASALAMAT NG TAOS-PUSO KAY PANGULONG FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. SA MALAKING TULONG NA NAIBIGAY SA LA UNION. 


ITO’Y MATAPOS SUNOD-SUNOD NA TUMAMA ANG MGA SAKUNA TULAD NG TROPICAL DEPRESSION MIRASOL, SUPER TYPHOON NANDO, TYPHOON EMONG AT KAMAKAILANG LINDOL.


TINAMAAN ANG 4,633 PAMILYA O KATUMBAS NG 15,759 INDIBIDWAL AT NASA MAHIGIT P4.5 MILYON ANG NALUGI SA AGRIKULTURA.


KABILANG SA MGA IBINIGAY NA SUPORTA ANG EMERGENCY CASH TRANSFER PARA SA 800 PAMILYANG NASIRAAN NG BAHAY, FUEL ASSISTANCE AT LIBRENG PATABA PARA SA MGA MAGSASAKA, PAGPAPATUPAD NG ZERO BALANCE BILLING PROGRAM SA MGA OSPITAL, PAGBUBUKAS NG BAGONG URGENT CARE CENTER, AICS ASSISTANCE NG DSWD AT REHABILITATION NG MGA KALSADA AT TULAY MULA SA DPWH.



📊 RADYO PAGSUSURI


MALINAW NA NAGPAPAKITA NG MALASAKIT ANG ADMINISTRASYONG MARCOS SA MGA PROBINSYA NA TINATAMAAN NG SAKUNA. MAHALAGA ANG KOMBINSASYON NG AGARANG TULONG PINANSYAL, SUPORTA SA AGRIKULTURA AT PAGPAPALAKAS NG HEALTHCARE SYSTEM.


ANG HAMON NGAYON: MASIGURO NA ANG MGA PROGRAMANG ITO AY PATULOY NA MAKAKARATING SA PINAKA-APECTADONG MAMAMAYAN, HINDI LANG PANANDALIAN KUNDI PANGMATAGALANG SOLUSYON PARA SA RESILIENCE NG MGA KOMUNIDAD.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER BOJIE: ANG KAMARA, SA PAMUMUNO NI SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III, AY NAKAHANDA NANG TAPUSIN ANG PLENARY DEBATES PARA SA ₱2026 NATIONAL BUDGET NGAYONG LINGGO.


NAKATAKDA NANG ILARGA NGAYONG LUNES ANG TALAKAYAN SA MGA PROPOSED BUDGET NG DPWH, DEPARTMENT OF AGRICULTURE, AT DEPARTMENT OF HEALTH. 


SA MARTES NAMAN, PAG-UUSAPAN ANG MGA PONDO NG OVP, DSWD, DMW, DICT, DOLE, DILG, CSC AT CESB. 


AT SA MIYERKULES, TATALAKAYIN ANG BUDGET NG OPISINA NG PANGULO, DFA, DOST, AT DOTR.


ITINALAGA ANG OKTUBRE 10 BILANG AMENDMENTS PERIOD PARA SA HOUSE BILL 4058, ANG GENERAL APPROPRIATIONS BILL NG 2026. 


TARGET NG KAMARA NA MAIPASA ANG PANUKALANG BUDGET AT MAIPASA SA SENADO PARA SA BICAMERAL CONFERENCE, UPANG LAGDAAN NG PANGULO BAGO MAGTAPOS ANG TAON.




PAGSUSURI


ANG PAGTUTULAK NG KAMARA NA TAPUSIN AGAD ANG DEBATES AY PALATANDAAN NG DETERMINASYON NG BAGONG LEADERSHIP NI SPEAKER DY NA IWASAN ANG DELAYS SA BUDGET. 


MAHALAGA ITO, SAPAGKAT KAPAG NABIGO ANG KONGRESO, AUTOMATIC NA MARE-RE-ENACT ANG 2025 BUDGET. 


ITO’Y MAGDUDULOT NG PROBLEMA SA MGA BAGONG PROGRAMA AT PRAYORIDAD NG ADMINISTRASYON.


ANG SUSI NGAYON AY ANG AMENDMENTS PERIOD SA OKTUBRE 10, KUNG SAAN INAASAHANG MAGKAKAROON NG MAIINIT NA TALAKAYAN SA MGA PONDO, LALO NA SA MGA DEPARTAMENTO NA KONEKTADO SA INFRASTRUCTURE, AGRIKULTURA, AT SOCIAL SERVICES. 


DITO MAKIKITA KUNG TALAGANG MAISUSULONG ANG TRANSPARENSYA AT RESPONSABLENG PAGGAMIT NG PONDO NG BAYAN.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER BOJIE: MULING IGINIIT NI HOUSE SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III ANG BUONG SUPORTA NG MARCOS JR. ADMINISTRATION SA PAGPAPALAKAS NG AGRIKULTURA AT KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA.


SA KANYANG DAYALOGO KASAMA ANG MAHIGIT 119,000 REHISTRADONG MAGSASAKA NG LALAWIGAN, BINIGYANG-DIIN NI DY NA PRAYORIDAD NG PAMAHALAAN ANG RICE AVAILABILITY, PAGPAPALAWAK NG STORAGE AT DISTRIBUTION FACILITIES, AT PAGTATAYO NG MGA DRYING STATIONS SA IBAT-IBANG BAYAN NG ISABELA.


KABILANG SA MGA HINILING NG MGA MAGSASAKA ANG DAGDAG NA SOLAR DRYERS, CASH SUBSIDY PARA SA FERTILIZER, AT HYBRID SEEDS. TINIYAK NI SPEAKER DY NA NASA 2026 BUDGET NA ANG CASH ASSISTANCE AT CROP INSURANCE PARA SA ISANG MILYONG MAGSASAKA.



PAGSUSURI


ANG PAHAYAG NI SPEAKER DY AY HINDI LAMANG SIMPLENG PAGBIBIGAY NG SUPORTA, KUNDI ISANG MENSAHE NA ANG ADMINISTRASYON AY HANDANG MAGTUON NG MAS MALAKING PONDO PARA SA AGRIKULTURA. 


MAHALAGA ITO LALO NA’T KASALUKUYANG NASA KRISIS ANG PRESYO NG BIGAS AT KITA NG MGA MAGSASAKA.


MAY DALAWANG PUNTONG DAPAT TUTUKAN: UNA, ANG EPEKTIBONG IMPLEMENTASYON NG MGA PASILIDAD TULAD NG DRYING STATIONS AT STORAGE FACILITIES. 


IKALAWA, ANG TOTOONG PAGLABAS NG PONDO PARA SA MGA SUBSIDY AT INSURANCE NA MADALAS AY NAUURONG DAHIL SA RED TAPE.


KUNG MAGIGING MATAPAT AT TRANSPARENTE ANG KONGRESO SA PAGGAMIT NG BUDGET, ANG MGA PROGRAMA NI SPEAKER DY AY MAARING MAGBIGAY NG KONKRETONG LUNAS SA MATAGAL NANG SULIRANIN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


VILLAFUERTE: CAMSUR SOLONS NAGHAHAIN NG PANUKALANG BIGYAN NG CASH INCENTIVES ANG MGA PELIKULANG PILIPINO AT ARTISTANG NAGWAWAGI SA INTERNATIONAL FILM FESTIVALS.


SA GITNA NG PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE FILM INDUSTRY MONTH, ISINUSULONG NINA CAMSUR REPS. MIGZ AT LUIGI VILLAFUERTE, KASAMA SINA REP. HORIBATA AT BICOL SARO REP. TERRY RIDON, ANG HOUSE BILL 3743 O “ARTISTS’ INCENTIVES ACT.” 


LAYON NITO NA BIGYAN NG TAX-FREE CASH INCENTIVES NA NAGLALARO SA P500,000 HANGGANG P1 MILYON ANG MGA ARTISTANG PILIPINO NA GUMAWA NG MGA OBRA NA NAGWAGI SA MGA PRESTIHIYOSONG INTERNATIONAL FILM FESTIVALS.


KABILANG SA MGA RECOGNIZED AWARD-GIVING BODIES ANG CANNES, VENICE, BERLIN, TORONTO, SUNDANCE, NEW YORK AT BUSAN FILM FESTIVALS. HALIMBAWA NG MGA KAMAKAILANG TAGUMPAY ANG “LEONOR WILL NEVER DIE” NI MARTIKA ESCOBAR NA NAGWAGI SA SUNDANCE, SI JOHN ARCILLA NA NAKUHA ANG BEST ACTOR SA VENICE, AT ANG SHORT FILM NA “TARANG” NI ARVIN BELARMINO NA PINARANGALAN SA BERLIN.



ANALYSIS


ANG PANUKALANG ITO AY MALINAW NA HAKBANG PARA KILALANIN ANG AMBAG NG MGA PILIPINONG ARTISTA SA PAGPAPALAKAS NG KULTURA AT PAGDADALA NG KARANGALAN SA BANSA. HIGIT SA SIMPLENG PREMYO, ISA ITONG MENSAHE NG PAMAHALAAN NA ANG SINING AT PELIKULANG PILIPINO AY DAPAT SUPORTAHAN AT BIGYAN NG PAGPAPAHALAGA.


NGUNIT KAILANGAN DIN NG MALINAW NA PAMANTAYAN AT MAAYOS NA IMPLEMENTASYON, UPANG MASIGURO NA ANG REWARDS AY NAPUPUNTA SA TALAGANG NAKAPAGTAGUYOD NG PILIPINONG TALENTO SA ENTABLADO NG MUNDO. 


KUNG MAISASA-BATAS, MAAARI ITONG MAGING MALAKAS NA MOTIBASYON SA IBANG KABATAANG ARTISTA AT FILMMAKERS NA ITAAS PA ANG ANTAS NG KANILANG OBRA.


OOOOOOOOOOOOOOOOOO


SPEAKER BOJIE: NANGUNA SI HOUSE SPEAKER FAUSTINO “BOJIE” DY III SA ISANG DAYALOGO KASAMA ANG MGA MAGSASAKA SA ISABELA CONVENTION CENTER SA CAUAYAN CITY NITONG SETYEMBRE 27, 2025. 


TINALAKAY ANG MGA MAINIT NA ISYU SA AGRIKULTURA KASAMA ANG MGA AGRICULTURIST NG PROBINSIYA AT MGA MAYOR.


BINIGYANG-DIIN NI DY ANG MGA PROGRAMA NG GOBYERNO PARA SA SUPLAY NG BIGAS AT SUPORTA SA MAGSASAKA, KABILANG ANG PAGPAPALAWAK NG STORAGE AT DRYING FACILITIES SA IBA’T IBANG BAYAN NG ISABELA. 


TINIYAK DIN NIYA ANG COORDINATION NG DSWD PARA MATULUNGAN ANG MAHIGIT 119,000 NA MAGSASAKA SA LALAWIGAN.


ILAN SA MGA HILING NG MGA MAGSASAKA ANG SOLAR DRYERS, CASH FERTILIZER SUBSIDY, AT HYBRID SEEDS. SAGOT NI DY, KASAMA SA 2026 BUDGET ANG CASH ASSISTANCE AT CROP INSURANCE PARA SA ISANG MILYONG MAGSASAKA.



RADYO ANALYSIS


MAKABULUHAN ANG PAKIKIPAGDIALOGO NG SPEAKER, NGUNIT ANG TUNAY NA SUKATAN AY ANG KONKRETONG PAGPAPATUPAD NG MGA PANGAKO. 


ANG MGA ISABELA FARMERS AY MATAGAL NANG HUMIHINGI NG INFRASTRUCTURE AT DIRECT SUPPORT, KAYA ANG MALINAW NA BADYET AT MALAPIT NA PAGKILOS NG GOBYERNO ANG SIYANG MAGPAPATUNAY KUNG ANG MGA PROGRAMANG ITO AY HINDI LANG SALITA KUNDI TUNAY NA AKSYON.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO


GONZALES CS: MAHIGIT 950,000 MGA GURO SA PUBLIKONG PAARALAN ANG MAKATATANGGAP NG TIG-₱1,000 WORLD TEACHERS’ DAY INCENTIVE BENEFIT O WTDIB SA DARATING NA LINGGO, OKTUBRE 5. 


AYON KAY HOUSE ASSISTANT MINORITY LEADER AT EASTERN SAMAR REP. CHRISTOPHER SHEEN GONZALES, NAKALAAN NA ANG ₱955 MILYONG PONDO SA 2025 GENERAL APPROPRIATIONS LAW NA MAY TIYAK NA PROBISYON PARA SA NAPAPANAHONG PAGLABAS NITO.


SINABI NI GONZALES NA KASAMA NG MINORITY LEADER MARCELINO LIBANAN, NAGHAIN SILA NG HOUSE BILL 4531 NA LAYONG TRIPLEHIN ANG WTDIB MULA ₱1,000 PATUNGO SA ₱3,000, UPANG MAGING MAS MATIBAY NA PAGPAPAHAYAG NG PASASALAMAT NG BAYAN SA MGA GURO. 


ANG WTDIB AY UNANG NAIBIGAY NOONG 2019 SA PAMAMAGITAN NG SIMPLENG LINE-ITEM INSERTION SA BUDGET LAW.


ANG WORLD TEACHERS’ DAY AY IPINAGDIRIWANG TUWING OKTUBRE 5 MULA PA 1994, AT IDINEKLARA RING NATIONAL TEACHERS’ DAY SA ILALIM NG REPUBLIC ACT 10743.



RADYO ANALYSIS


MALINAW NA ANG ₱1,000 INCENTIVE AY SIMBOLIKONG TULONG LAMANG AT MALAYONG MAKASAPAT SA TUNAY NA PANGANGAILANGAN NG MGA GURO. 


ANG PANUKALANG TAASIN ITO SA ₱3,000 AY MAS MAKABULUHAN, SUBALIT NANANATILING ISYU ANG SUSTENABLENG BENEPISYO PARA SA KANILANG KALAGAYANG EKONOMIKO. 


HINDI DAPAT LIMITAHAN SA ISANG ARAW NG PARANGAL ANG PAGKILALA SA MGA GURO, KUNDI SA MAS MALAWAK NA REPORMA SA SWELDO AT BENEPISYO NA TUTUGON SA KANILANG TULONG SA PAGHUBOG NG KABATAAN AT NG BUONG LIPUNAN.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOO