Tiniyak ng Bureau of Customs o BOC na magpapatuloy ang mga “raid” sa mga warehouse o bodega ng mga asukal.
Sa joint hearing ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Agriculture and Food, humingi ng update si AGRI PL Rep. Wilbert Lee ukol sa ginagawang raids ng BOC at mga kaukulang ahensya at kung may resulta na ang imbestigasyon.
Kailangan din aniyang maging malinaw kung ang mga naturang bodega ay nag-hoard ba talaga ng mga asukal.
Tugon ni BOC deputy commissioner Edward James Dy Buco, naghihintay na lamang sila ng pinal na report mula sa “raiding teams” kaugnay sa mga nakalipas na raid o inspeksyon.
Ang mga naturang raid ay ginawa aniya ng BOC kasama ang Sugar Regulatory Administration o SRA at Department of Trade and Industry o DTI.
Sa harap ng mga mambabatas, sinabi ni Dy Buco na patuloy nilang ipatutupad ang kanilang mga raid, na ang termino raw nila ay “visitorial powers.”
Pinag-uusapan na rin aniya ang “disposal” o kung ano ang gagawin sa mga asukal sa mga bodega na ni-raid.
Maalalang si Pang. Ferdinand Marcos Jr., na siyang kalihim ng Department of Agriculture, ang nagkupmas na mag-ikot s amga warehouses at tingnan ang inventory ng mga imported na produktong-agrikultural upang mabatid din yung mag sugar hoarding.
Kamakailan naman ay sinabi ng Malakanyang na base sa mga naunang raid sa mga bodega, “artificial” lamang umano ang sugar shortage.
No comments:
Post a Comment