Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong i-modernisa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inihaing House bill 3587 ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, maglalaan ng modernization funds para sa pag-upgrade ng Phivolcs at makasabay sa best global practices.
Punto ni Romero, bilang ang PHIVOLCS ang pangunahing institusyon na tumututok sa volcanic eruption, earthquake, tsunami at iba pang kahalintulad na geothermal phenomena, kailangan na palakasin ito upang magampanan ng maayos ang kanilang mandato.
Nakasaad sa panukala na kukunin ang pondo mula sa bahagi o share ng national government sa kita ng PAGCOR na nagkakahalga ng P1.5 billion sa loob ng dalawang taon o kabuuang P3 billion.
Ang halagang ito ay ay ekslusibong gagamitin para sa capital outlay ng ahensya.
No comments:
Post a Comment