Friday, August 26, 2022

UUTANG ANG PAMAHALAAN NG ISANG TRIYONG PISO BILANG BORROWINGS NG BANSA PARA MAPUNAN ANG BUDGET DEFICIT SA SUSUNOD NA TAON

Tinatayang higit sa P1 trillion ang magiging “borrowings” o uutangin ng gobyerno ng Pilipinas para mapunan ang “budget deficit” o kakulangan sa pondo sa susunod na taon.


Ito ang sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno sa interpelasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.


Ayon kay Diokno, ang borrowings ay inaasahan namang bababa dahil hindi naman inaasahang magkakaroon ng panibagong pandemya.


Inihayag pa ng kalihim na ang total revenue projections para sa susunod na taon ay nasa P3.6 trillion.


Dito sinabi ni Lagman na hindi ba ito “short” o kulang para pondohan ang higit P5.2 na national budget.


Sagot ni Diokno, ang “projected expenditures” ay nasa P5.1 trillion at ang deficit o kulang ay nasa P1.16 trillion.


Dagdag na tanong ni Lagman, saan kukunin ang kulang kung saan ang tugon ni Diokno ay kailangang i-finance ito sa pamamagitan ng domestic sources upang walang “foreign exchange risks.”


Ani pa Diokno, nasa 75% ng uutangin ay “locally” habang 25% ay mula sa foreign sources.

No comments:

Post a Comment