Sunday, August 21, 2022

SISIKAPIN NG KAMARA NA MATAPOS ANG DELIBERASYON NG 2023 PROPOSED NATIONAL BUDGET SA OCTOBER 1 — SPEAKER ROMUALDEZ

Sisikapin ng Kamara na matapos ang pagtalakay at deliberasyon sa 2023 

proposed national budget bago mag-October 1.


Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ito ay bago mag-recess ang 19th Congress hanggang November 6.


Isinumite na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kay Speaker Romualdez ang kopya ng National Expenditure Program o 2023 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.268-trillion pesos.


Ayon sa Speaker, agad na sisimulan ng Kamara ang budget deliberations sa committee level sa August 26.


Tiniyak ni Romualdez na bawat sentimo ng 2023 proposed national budget ay magagamit sa implementasyon ng mga programa ng gobyerno sa harap ng patuloy na banta ng pandemya.


Nananatili ang Department of Education na may pinakamalaking budget na 852.8-billion pesos.


Sinundan ng DPWH, 718.4-billion pesos… Department of Health, 296.3-billion 

pesos… DSWD, 197-billion pesos at Department of Agriculture, 184.1-billion pesos.

No comments:

Post a Comment