Wednesday, January 29, 2025

A-Uno ng Pebrero, Taong 2025

A-Uno ng Pebrero, Taong 2025 — Balangkas ng Ating Palatuntunang Katropa sa Kamara:


[Segmento 1: Pagbubukas (10-15 minuto)

Musikang Panimula at Pagbati.

Batiin ang inyong tagapakinig sa Filipino.]


@@@@@@@@@@@@@@@


>> Isang masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At ¡Buenos días, Mindanao! Muli, samahan ninyo kami sa dalawang oras ng makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!


@@@@@@@@@@@@@@@


>> Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara kasama si Terence Mordeno Grana.


Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.


@@@@@@@@@@@@@@@


Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating Commander ng Civil Relations Service, BGen. Ramon P. Zagala.


Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!


@@@@@@@@@@@@@@@


[• Maikling buod ng mga tatalakayin sa programa.]


>> Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”


Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:

📱 +63 916 500 8318

📱 +63 905 457 7102


@@@@@@@@@@@@@@@


>> Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!


@@@@@@@@@@@@@@@


[• Mga Pangunahing Balitang Pambatasan.]


>> Sa Ulo ng Ating Mga Balita


Mamadaliin ng Kamara ang panukalang dagdag-sahod at ang P200 umento pinag-aaralan


Kinondena ng mga mambabatas ang DA sa pagtutulak nito ng P58 maximum SRP


SC petition laban sa 2025 GAA isang hakbang para magulo ang gobyerno


Rice importers hindi pa lusot sa imbestigasyon ng Quinta Comm kaugnay ng mataas na presyo ng bigas


Sita ng mga mambabatas: DA, DTI, NFA hindi nagmamadali na mapababa presyo ng bigas


Kinilala ni Speaker Romualdez ang legacy ni dating Speaker JDV


Babala ng isang solon sa mga botante: Kandidatong pro-China huwag iboto


Huwag iboto ang mga kandidatong pabor sa China, isa pang warning ng isang mambabatas


Dapat bang ipagkatiwala ang PH power grid sa kalaban sa WPS?, tanong ng isa solon


Hindi pagkakasundo ng polisiya ng DOH, PhilHealth nagdulot ng paghihirap sa mga milyong miyembro


Imbestigasyon sa mga nagkakalat ng fake news, sisimulan na ng Kamara


Speaker Romualdez kumpiyansa na PH makakakuha ng mas maraming dayuhang pamumuhunan mula sa WEF 2025


@@@@@@@@@@@@@


[• Ibahagi ang mga mahahalagang balita tungkol sa batas ngayong linggo.

Buod ng mga mahahalagang panukalang batas o resolusyon.]


 @@@@@@@@@@@@@


Speaker Romualdez: Kamara mamadaliin panukalang dagdag-sahod, P200 umento pinag-aaralan


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mamadaliin ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukalang magtataas sa minimum wage at gagawin ito ng binabalanse ang pangangailangan ng mga manggagawa at kalagayan ng mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).


“The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that meets the needs of our workers while ensuring that businesses, particularly MSMEs are supported during this transition. This is a critical step toward achieving inclusive growth and addressing the immediate challenges faced by Filipino families,” ani Speaker Romualdez.


Noong Martes ng gabi, nakipagpulong si Speaker Romualdez sa mga labor leader at kinatawan ng mga pangunahing labor group sa bansa sa Social Hall ng Office of the Speaker sa Batasan Complex, Quezon City, para pakinggan ang kanilang mga hinaing at mungkahi kaugnay sa hinihinging umento sa sahod.


Nasa pagpupulong din sina Deputy Speaker, at TUCP Partylist Rep. Democrito Raymond Mendoza at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre.


Naniniwala si Speaker Romualdez na napapanahon ang pagtalakay sa makatarungang pagtaas ng sahod ng mga ordinaryong manggagawa bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.


Binanggit ng pinuno ng Kamara na ang huling batas na nagtakda ng pagtaas ng sahod — ang Wage Rationalization Act of 1989, ay naisabatas mahigit tatlong dekada na ang nakalipas kung saan nakapagbigay umano ng angkop na umento sa sahod ng hindi nagdulot ng lubhang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at pagsasara ng mga negosyo.


“If we were able to do this in the past, there is no reason why we cannot do it now, especially with careful planning and collaboration with all sectors. Hindi lang natin tataasan ang suweldo, titiyakin din natin na makatutulong ito sa ating ekonomiya,” giit ni Speaker Romualdez. 


“Ang lumalabas na consensus dito sa House of Representatives, pending ongoing public consultation, baka kayang dagdagan ng P200 bawat araw ang minimum wage,” wika pa nito.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mas malawak na benepisyong pang-ekonomiya ng pagtaas ng sahod dahil lalaki umano ang kakayanan ng maraming pamilya na gumastos at bilhin ang kanilang pangangailangan na magpapasigla sa lokal na ekonomiya at magdudulot ng pangmatagalang pag-unlad sa bansa.


“Higher wages mean workers have more disposable income to spend on goods and services, increasing demand across various sectors. Since consumption is a significant driver of economic growth, this increased spending stimulates business activity, generates revenue, and supports job creation. In the Philippines, where consumer spending accounts for a substantial portion of GDP, a wage hike can act as an economic catalyst,” paliwanag pa nito. 


“A well-designed wage hike is not just an immediate solution to help workers cope with inflation, it is an investment in our collective future,” dagdag pa ng kongresista.


Gayunpaman, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangang makahanap ng balanseng solusyon na kapaki-pakinabang sa mga manggagawa at employer. Kabilang sa mga ikinokonsidera ng Kamara ang paglalagay ng probisyon para sa wage subsidies at pagbibigya ng exemptions sa mga MSME upang hindi magresulta sa pagkalugi ng mga ito ang pagtataas ng sahod.


“Our MSMEs are the backbone of our economy, and they must be protected even as we address the needs of our workers. Through wage subsidies and other mechanisms, we aim to ensure that no one is left behind,” saad pa ng lider ng Kamara.


Siniguro rin ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Mababang Kapulungan ay nagsasagawa ng malawakang konsultasyon sa lahat ng mga stakeholders, kabilang ang mga grupo ng manggagawa, mga employer, at mga ekonomista, upang matiyak na ang magiging batas ay inklusibo.


“This is a delicate balancing act, but the House is committed to addressing the concerns of all sectors. We are working on a measure that truly reflects the spirit of bayanihan, one that uplifts workers, supports businesses, and strengthens the economy,” ayon pa kay Speaker Romualdez.


Kabilang sa mga labor leaders na dumalo sa pulong ay sina: Michael Mendoza – Pangulo ng ALU (Associated Labor Unions); Gerard Seno, Pangulo ng APSOTEU (Associated Professional, Supervisory, Office and Technical Employees Union); Cecilio Seno, Jr.- Pangulo ng ALU – Metal; Atty. Allan Montano, Bise Presidente ng FFW (Federation of Free Workers); Josua Mata, Secretary General ng SENTRO (Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa); Luis Corral-TUCP (Trade Union Congress of the Philippines) VP para sa pambansa at internasyonal na  usapin; Arturo Basea, Pangulo ng FUR (Federations of Unions of Rizal); Temistocles Dejon, Jr. - Pangulo ng AWATU (All Workers Alliance Trade Union); Alvin Fidelson, Pangulo ng KKKP (Kapisanan ng mga Kawani sa Koreo sa Pilipinas); Roland dela Cruz -Pangulo, NACUSIP (National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines); Arthur Juego, Pangulo ng KILUSAN (Pambansang Kilusan ng Paggawa); Atty. Arnel Dolendo, Pangulo ng PTGWO (Philippine Trade and General Workers Organization) at Secretary General ng TUCP; at Shirley Yorong, Assistant Secretary General ng TUCP. (END)


@@@@@@@@@@@


DA kinondena ng mga mambabatas sa pagtutulak ng P58 maximum SRP



Binatikos ng mga mambabatas nitong Martes ang Department of Agriculture (DA), na pinangungunahan ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kaugnay ng patuloy na pagtutulak nito ng maximum suggested retail price (MSRP) na P58 sa kada kilo imported premium rice.


Sa pagdinig ng House Quinta Comm, na kilala rin bilang Murang Pagkain Super-Committee, mariing kinondena ng mga mambabatas ang price cap na lubha umanong mataas at magpapalakas lamang sa sabwatan sa mga rice retailer.


Pinuna ng mga miyembro ng komite ang desisyon ng DA na panatilihin ang P58 na presyo habang nagpaplano lamang ng unti-unting pagbaba sa P55 pagsapit ng Pebrero at P49 sa Marso. Tinawag nila ang diskarte ng ahensya na hindi epektibo at malayo sa tunay na kalagayan ng mga pamilyang Pilipino na nahihirapan.


Kinuwestyon ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, tagapangulo ng House Committee on Agriculture and Food at co-chair ng Quinta Comm, ang rason sa likod ng P58 MSRP, na sinabi nitong lubhang mataas.


“The goal should be to influence the supply chain to reduce profit margins across the board,’” ani Enverga. “‘But why are we allowing such a large markup? Shouldn’t we pressure everyone to adjust their profit margins instead?”


Binatikos pa niya ang plano ng DA na unti-unting ibaba ang presyo, iginiit na mas kapaki-pakinabang ang agarang pagbaba.


“If the MSRP can go down, then it should go down immediately. Why wait? Why allow additional profits for traders and retailers when prices can already be lowered?” tanong ng mambabatas.


Nagbigay naman ng mas matinding puna si Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo, na tinawag ang MSRP na tagapagpaigting ng anti-competitive practices.


Babala niya, ang price ceiling ng DA ay nagsisilbi pang pahintulot ng gobyerno sa mga retailer na magsabwatan para manatiling mataas ang presyo.


“Ang nangyayari is they (retailers) now collude around the higher MSRP. Sasabihin ng mga retailers, “Eh allowed naman pala ang MSRP na P58. O tayong lahat, magbenta na lang tayo at P58.” Kahit na kaya naman pala nila magbenta at P38,” sabi ni Quimbo.


“Kumbaga, naging government-endorsed collusion. Instead of transparency and competition, this creates a market standard that works against the public,” dagdag niya.


Pinuna rin ni Quimbo ang maling formula sa pagpepresyo ng DA, na aniya’y umaasa sa hindi kailangang hakbang sa supply chain na nagpapataas ng gastos na nagpapahirap sa mga mamimili. Hinimok niya ang ahensya na magpatupad ng mas competitive at transparent na estratehiya.


“Mag-monitor po kayo. Hanapin ninyo sa bawat lugar kung sino ang retailer na nakakabenta ng pinakamababang presyo,’” ani Quimbo.


“Ilista ninyo sa buong NCR o bawat lugar ang pinakamababang retailer. By transparency, nakita namin sa buong NCR, ito pala ang lowest price for this particular period. It’s actual, hindi na kayo nag-compute,” dagdag niya.


Hindi rin nagpahuli si Bulacan 2nd District Rep. Tina Pancho, na tinawag na “fundamentally unfair” para sa mga Pilipino ang P58 na presyo.


“‘Napakataas po nito. Parang ang nangyayari po, ang gobyerno ang nagbibigay ng pahintulot na ibenta ito sa mataas dahil “yun ang legal.” So, hindi po talaga tayo bababa,’” aniya.


Sa kabila ng tumitinding pressure, ipinagtanggol ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra ang desisyon ng ahensya sa presyo.


Ipinaliwanag niya na ang P58 MSRP ay nakabase sa global rice prices, freight, insurance, at tariffs, at iginiit na mataas ang compliance sa mga pamilihan sa Metro Manila.


“‘Ngayon po sa pagmo-monitor natin, dalawa na lang pong brands ang nakikita natin na nasa P58 na range na ‘yan. Lahat po halos ng 30 markets na mino-monitor natin ngayon ay nagko-comply sa P58 MSRP,’” ani Guevarra.


Sinabi rin ni Guevarra na plano ng DA na ibaba ang MSRP sa P55 pagsapit ng Pebrero at sa P49 pagsapit ng Marso, depende sa galaw ng global market prices.


“‘The Secretary has declared that the plan is to lower it to P55 and then to P49 as long as world market prices allow,’” aniya.


Mariing tinanggihan ng mga mambabatas ang mga paliwanag na ito, iginiit na hindi sapat at hindi katanggap-tanggap ang timeline ng DA.


Ayon sa kanila, ang pag-antala sa pagbaba ng presyo ay nagpapalala sa paghihirap ng mga pamilyang Pilipino na nahaharap na sa mataas na inflation at limitadong kakayahang bumili.


Hiningi ng Quinta Comm, na pinamumunuan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ang isang komprehensibong nakasulat na paliwanag mula sa DA hinggil sa mekanismo at computation ng MSRP.


Isinusulong ng joint panel ang agarang reporma, binalaan na ang kasalukuyang polisiya ng ahensya ay nagdudulot ng pagkawala ng tiwala ng publiko at nagpapalala sa kalagayan ng mga mamimiling Pilipino. (END)


@@@@@@@@@@@


SC petition laban sa 2025 GAA isang hakbang para magulo ang gobyerno, maibalik bilyong badyet ni VP Sara



Ang petisyon na inihain sa Korte Suprema (SC) laban sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ay isa umanong oagtatangka na ma-destabilize ang gobyerno at maibalik ang P1.3 bilyong budget ng Office of the Vice President (OVP), na tinanggal ng Kongreso dahil sa kakulangan umano ng transparency sa paggamit ng pondo.


Kinondena ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega ang petisyon na inihain nina Rep. Isidro Ungab, Atty. Vic Rodriguez, at kanilang mga kaalyado, na isa umanong bahagi ng mas malawak na planong pampolitika na ang layunin ay maghasik ng kawalang-katiyakan at pahinain ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


Samantala, iginiit ni Acting House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Stella Luz Quimbo ng Lungsod ng Marikina na hindi na kinakailangan na muling ratipikasyon ng Kongreso ang naiwastong ulat ng bicameral conference committee, dahil may kasama na umano sa niratipikang bicameral conference committee report ang probisyon para sa gagawing pagbabago.


“‘Our position is that the ratification of the corrected bicam report is unnecessary. This is simply because Omnibus Provision 2 of the Report, which was ratified by the members, allows for the possibility of corrections, within limits stated in Omnibus Provision 1 (typographical errors and adjustments as a consequence of amendments),’” ani Quimbo.


Tinawag ni Ortega, isang miyembro ng Young Guns ng House of Representatives, ang petisyon sa SC bilang isang “calculated political gambit” na layong hadlangan ang progreso ng administrasyon at guluhin ang pamahalaan.


“The petition filed by Rep. Isidro Ungab, Atty. Vic Rodriguez, and their allies before the Supreme Court questioning provisions in the 2025 General Appropriations Act (GAA) is more than just a legal maneuver – it is a calculated political gambit that exposes their intent to obstruct progress and destabilize the administration of President Ferdinand Marcos Jr.,” ani Ortega.


Inakusahan niya ang mga nagpetisyon na sinusubukang baligtarin ang desisyong ginawa ng Kongreso na bawasan ng P1.3 bilyon ang badyet ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.


“Let us not mince words: this petition is an effort to undo the decision of Congress to cut P1.3 billion from the budget of the Office of the Vice President, a decision rooted in Congress’s constitutional duty to ensure that public funds are judiciously allocated,” dagdag niya.


Binigyang-diin ni Ortega na ang hakbang na ito ay bahagi ng isang pattern ng politikal na pagmamanipula na naglalayong magpalaganap ng pagdududa sa pagiging lehitimo ng pambansang badyet.


“‘The motives behind this petition are suspect, to say the least. This is not just about budgetary provisions – it is about political leverage,’” aniya.


Binalaan niya na ang tunay na layunin ng paghahain ng petisyon ay pahinain ang administrasyong Marcos at ihanda ang posisyon para sa konsolidasyon ng kapangyarihan ni Vice President Sara Duterte.


“The narrative being constructed here is clear: sow doubt about the legitimacy of the 2025 GAA, delay its implementation and weaken the administration. It is difficult to ignore the possibility that these moves are part of a broader scheme to undermine President Marcos and position Vice President Sara Duterte for an eventual takeover,” dagdag ni Ortega.


Tinawag niya ang ganitong mga taktika bilang “divisive and dangerous,” na binibigyang-diin na hindi lamang nito nilalagay sa panganib ang katatagan ng gobyerno kundi pati ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng bansa.


“These tactics are divisive and dangerous, especially at a time when the Filipino people expect their leaders to focus on solutions rather than scheming. It is not just the government’s stability that is at stake – it is the trust of the people in our institutions,” aniya.


Hinikayat ni Ortega ang publiko na tanggihan ang naratibo ng mga nagpetisyon at kilalanin ang tunay na layunin sa likod ng hakbang na ito.


“‘I call on my colleagues and on the public to see this petition for what it truly is: a desperate bid for political survival disguised as a constitutional question,’” aniya.


Muling pinagtibay niya ang pangako ng Kamara na ipagtanggol ang integridad ng badyet ng 2025 at tiyakin na ito ay maglilingkod sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.


“The House of Representatives stands firm in its defense of the 2025 national budget. We trust the Supreme Court to exercise its judicial wisdom and dismiss this petition, as it is clearly designed to obstruct and destabilize rather than to uphold the Constitution,” dagdag ni Ortega.


Binigyang-diin niya na ang pamamahala ay hindi dapat maging bihag ng mga ambisyong pampolitika, na nagbabala na ang ganitong mga legal na hakbang ay nakapipinsala sa pambansang katatagan.


“‘The people deserve leaders who put the nation’s welfare above their personal ambitions. Now is not the time for gamesmanship or for exploiting legal processes to achieve political ends,’” aniya.


Tinapos niya ang kanyang pahayag sa panawagan para sa pagkakaisa at pamumuno, hinihimok ang Kongreso at ang publiko na magpatuloy at huwag madala sa mapanirang mga scheme ng politika.


“‘Now is the time for unity, for action, and for leadership. Let us move forward, not backward, and let us defend the integrity of our institutions and the future of this nation,’” pagtatapos ni Ortega. (END)


@@@@@@@@@@@


Rice importers hindi pa lusot sa imbestigasyon ng Quinta Comm kaugnay ng mataas na presyo ng bigas



Patuloy ang pag-iimbestiga ng House Quinta Comm, na kilala rin bilang Murang Pagkain Super-Comm, sa mga rice importers upang malaman kung mayroon silang papel kaya nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa mga palengke kahit na ang landed cost nito ay P36 kada kilo lamang.


Sa pagdinig ng komite, na pinamumunuan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, hiniling ng mga mambabatas ang mas malalimang pagsisiyasat sa posibleng sabwatan at manipulasyon ng presyo ng bigas.


Kinuwestyon ni Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang pagtaya na walang ambag ang mga importer sa mataas na presyo ng bigas, gayong ganito ang sitwasyong natuklasan sa imbestigasyon  ng  House Committee on Agriculture and Food, sa pamumuno ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, kaugnay sa onior cartel. 


“Let’s just not dismiss hastily the possibility na merong cartel, may collusion, may magic na nangyayari sa presyo ng bigas at may pagsasabwatan na ang pwedeng involved diyan ay ang mga importers,” ani Quimbo


“Kung P36 ang landed cost ng importers, bakit hindi natin nakikita ang P36 rice in the market? That’s the mystery. Something is happening,” punto niya. 


Tinukoy ni Quimbo, na siya ring acting chairperson ng makapangyarihang House Committee on Appropriations, ang pagkakatulad sa pagtaas ng presyo ng bigas at sibuyas, kung saan ang mga importer at trader ay hawak ang kontrol sa lokal at imported na suplay.


Ayon sa kinatawan ng Philippine Competition Commission (PCC) iniimbestigahan na niya ang mga importer ng bigas sa mga lugar na may mataas na inangkat na bigas ngunit hindi bumababa ang presyo nito.


“We see the areas with deficiencies are also the places with high imports and the prices are not moving down, so we look into those importers in those areas,” paliwanag ni PCC Enforcement Office Director Christian Loren Delos Santos


Kinumpirma din niya na ilan sa mga importer na ito ay natukoy na ngunit hindi pa pinangalanan dahil nagpapatuloy ang kanilang pagsisiyasat.


Kailangan naman, ani Quimbo ng kagyat na aksyon lalo na ang inaasahan sanang mas murang bigas ay hindi natupad.


“Dun sa mga lugar kung saan maraming rice importers ay natuklasan ninyo ay dun din ang mga presyo ng bigas ay hindi bumababa,” saad niya.


Nagbabala si Quimbo sa mga importer na kinikontrol ang mga imported at lokal na stock ng bigas na kanilang nakita nang imbestigahan ang kartel sa sibuyas.


“If the importing entity is also the one that purchases the local produce, then they now control both local and imported, which was what we found with the onion cartel,” aniya


Sinang-ayunan ito ni Bulacan 2nd District Rep. Tina Pancho at tinukoy ang epekto ng pagpe-presyo ng mga importer sa supply chain.


“I agree with the Hon. Stella Quimbo that we cannot disregard the participation of importer kung bakit nagkaroon tayo ng price increase,” ani Pancho.


“Ang importer ang magdi-dictate ng price eh,” dagdag ni Pancho na ipinaliwanag kung paanong ang gastos ng mga importer ay ipinapasa sa mga wholesalers, retailers, at mamimili.


Pero punto ni Salceda na ang imported na bigas at 22 porsyento lamang ng suplay ng bansa at ang 79 porsyento ay mula sa lokal.


“How can 22% dictate 78%? Then it’s not the importer anymore,” sabi ni Salceda.


Gayunman, aminado siya na kailangan na silipin pa ang financial at operational practice ng mga importer.


Katunayan ang iniimbestigahan na aniya sila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang posibilidad ng iligal o hindi deklaradong kita ng mga importer.


“If we cannot catch them by their declarations here, we will catch them by [ALMC],” ani Salceda. 


Kinumpirma din niya na inaalisa na ang bank records at tax filings ng naturang mga importer.


“Pinatingnan na rin natin sa BIR para klaro if they’re making obscene profits or if not they’re not declaring. So we’ll do an Al Capone. We will catch them where it hurts,” wika ni Salceda


Hiling naman ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones ang mas maigting na tugon kaugnay sa  P13-P14 na diperensa sa ibinabang taripa at presyo ng bigas sa world market.


“Malinaw na merong hinahanap tayong P7 ang effect ng baba ng 20% tariff, P7 din sa pagbaba ng world market price. ’Di natin pwede sabihin na walang kumita o nagsamantala,” saad ni Briones 


Mungkahi niya na gumawa ng isang enforcement task force sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act para imbestigahan ang profiteering sa sektor ng bigas.


Una nang tinukoy ng komite ang Bly Agri Venture Trading, Atara Marketing Inc., Orison Free Enterprise Inc., Macman Rice and Corn Trading, King B Company, Sodatrade Corp., Lucky Buy and Sell, Vitram Marketing Inc., Nan Stu Agri Traders, at RBS Universal Grains Traders Corp bilang nangungunang mga importer ng bigas.


Sa naturang pag-dinig ay pinuna ni Enverga estado at pagiging lehitimo ng Orison Free Enterprise Inc.


Ang naturang kompanya na nag angkat ng nasa 205 milyong kilo ng bigas noong nakaraang taon ay natuklasan na mayroon kuwestyon sa inirehistrong address at iba pang kaduda-dudang importation activities.


Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, hindi na operational o sarado na ang Orison sa idineklara nitong address sa Quiapo, Manila. 


Bagamat na hanapo aniya ng kanilang intelligence division ang opisyal ng korporasyon, lumalabas sa barangay certification na ang kompanya ay wala sa idineklarang address.


Isiniwalat din ng kinatawan mula Bureau of Plant Industry (BPI) na inisyuhan ng show-cause order ang Orison dahil sa pagsusumite ng hindi tamang impormasyon sa proseso ng pagkuha nito ng lisensya.


Suspendido na ang operasyon ng kompanya at walang inihain na application para mag-angkat sa 2025.


Inatasan ni Enverga, co-chair ng Quinta Comm ang National Bureau of Investigation na beripikahin ang pagiging lehitimo ng kompanya at imbestigahan ang importation records nito.


Hiningi rin niya ang sanitary and phytosanitary import clearance ng Orison mula 2023 at 2022 para masuri ang kanilang mga aktibidad.


Nanawagan naman si Quimbo sa PCC na isapinal na ang kaso sa ontion cartel para matindigan ang kanilang kredibilidad sa pagtugon sa mga kahalintulad na isyu sa bigas.


“Once you’ve been able to finally make a decision on the onion cartel case, maniniwala na kami na kaya niyo pala,” ani Quimbo. 


“Tingin ko talaga sila ang makaka-solve ng rice cartel problem or mystery,” diin niya. (END)


@@@@@@@@@@@


Sita ng mga mambabatas: DA, DTI, NFA hindi nagmamadali na mapababa presyo ng bigas



Sinita ng mga miyembro ng House Quinta "Murang Bigas" Committee noong Martes ang hindi umano pagmamadali ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at National Food Authority (NFA) para mapababa ang presyo ng bigas.


Sa ikalimang pagdinig ng mega panel hinggil sa mataas na presyo ng bigas at iba pang pagkain,  pinuna ng mga mambabatas ang kabiguan ng mga ahensya na maglabas ng draft para sa deklarasyon ng food security emergency mahigit isang linggo matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabor siya sa hakbang na ito.


Sinabi ni DA Undersecretary Christopher Morales sa komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na iniikot pa ang papel para sa pagdedeklara ng food security emergency sa bansa.


Tinanong naman ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, “Ano pa ‘yung kulang?”


Sagot naman ni Morales, “We’re still waiting for the recommendation from the NPCC (National Price Coordinating Council) for the declaration. Yung paper po kasi I think umiikot nga.”


Napabulalas si Salceda, “Oh my God.”


Ikinadismaya naman ni Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan ang tila kawalan ng urgency ng mga opisyal na makapagpatupad ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas.


“Sabi nga ni Cong. Stella emergency, papaikutin pa ang papel. ‘Di ba pag may sunog emergency magpapa-alam pa ba ‘yung mga bumbero sa kanyang mga superior bago siya makaalis sa sitwasyon,” ani Panaligan.


Hinimok ni Panaligan ang DA na maging “dynamic and aggressive” sa kampanya upang mapababa ang presyo ng pagkain, partikular ang bigas.


Sa pagdinig ng Murang Bigas Committee noong Martes, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na ipinagbabawal ng batas sa kanilang ahensya na magbenta ng bigas nang walang deklarasyon ng food security emergency.


Kapag nailabas ang deklarasyon, sinabi ni Lacson na magbebenta ang NFA ng humigit-kumulang 300,000 sako ng “aging” stocks sa halagang P29 kada kilo at hanggang 500,000 sako ng “regular” stocks sa “subsidized price” na P38 kada kilo.


Aniya, ang NFA ay lugi ng P10 bawat kilo dahil ang kanilang ibinebentang bigas ay P48 kada kilo.


Ang mga pahayag ni Lacson ay nag-udyok kay Salceda na magkomento, “So as of now, NFA is doing nothing. Whose fault is that? What did we do, why did we put ‘emergency’ in the law?”


Sinabi naman ni Quimbo na ang planong P38 subsidized selling price ng NFA ay mataas pa rin.


Ipinaalam niya sa komite na sa isang barangay sa Marikina, dalawang retailer ang “nagbebenta ng kanilang stocks consistently sa halagang P39 kada kilo.”


Nang tanungin niya ang mga ito, sinabi raw ng mga retailer na direktang binibili ang kanilang supply mula sa mga rice miller sa Bulacan at Nueva Ecija.


“Why can’t the Department of Agriculture do that?” tanong ni Quimbo.


Inalala ni Salceda na sa isang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng Kamara at Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel noong nakaraang buwan, nangako ang mga rice miller at trader sa Bulacan na ibebenta ang kanilang stocks sa halagang P37 kada kilo. (END)


@@@@@@@@@@@@@


Speaker Romualdez kinilala legacy ni dating Speaker JDV



Hinimok ni Speker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kapwa taga-gobyerno na magkaisa sa pagkilala at pagbibigay-pugay sa namumukod-tanging pamana ng serbisyo publiko ni dating Speaker Jose de Venecia Jr.


Ang panawagan ng pinuno ng 307-mga kinatawan ng Kamara de Representantes ay kasabay ng pagpapasinaya sa gusali sa Batasan Complex Quezon City, sunod sa pangalan ni dating Speaker De Venecia, na inilarawan nya bilang “a man of great ideas” at “of profound humanity.”


“As we dedicate the Jose de Venecia Building and Museum, let us also commit ourselves to honoring his legacy by embodying the values he holds dear: unity, compassion, and the relentless pursuit of peace and progress,” ayon kay Speaker Romualdez.


“The story of Speaker Jose de Venecia is a narrative of courage, resilience, and an unyielding commitment to a higher purpose. His life reminds us that true greatness lies not in the titles we hold, but in the lives we touch and the future we shape,” saad nito.


“To us who have been fortunate enough to walk alongside him in the halls of public service, he is not just a mentor but a towering figure of inspiration. His wisdom, tempered by decades of experience; his humility, borne out of genuine service; and his optimism, unwavering even in the face of challenges, remain etched in our hearts,” wika pa ng kongresista.


Kasama ni dating Speaker De Venecia sa event ang kanyang asawang si dating Pangasinan Rep. Maria Georgina De Venecia, na kilala bilang “Manay Gina,” at anak na si Rep. Christopher De Venecia, ang kasalukuyang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan. 


Nakiisa rin si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez, kasama sina Reps. Ramon Guico (Pangasinan, 5th District), Mark Cojuangco (Pangasinan, 2nd District), Rufus Rodriguez (Cagayan De Oro City, 2nd District), at Ace Barbers (Surigao Del Norte, 2nd District), kay Speaker Romualdez sa pagbibigay-pugay sa dating pinuno ng Kamara, gayundin ang kanilang mga kaanak at kaibigan ng pamilya De Venecia.


Binanggit ni Speaker Romualdez na sa mga pinakamahuhusay na lider ng bansa, kakaunti ang mga pangalan na kasing taas ng pagpapahalaga at respeto ibinibigay tulad ng kay dating Speaker de Venecia.


“To call him a visionary is an understatement, for he is not merely a leader of his time but an architect of the future, crafting ideas and building institutions that continue to shape our nation and inspire the global community,” diin pa nito.


Binanggit ni Speaker Romualdez na si "Speaker Joe," kung tawagin ng mga malalapit sa kanya, ay isang natatanging lider sa pulitika ng Pilipinas— isang lider na nagtataguyod ng pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba, gamit ang kasanayan ng isang diplomat at ang buong pusong pagmamahal sa bayan.


“His concept of the ‘Rainbow Coalition’ remains a masterclass in inclusive governance, a vivid testament to his belief that diversity is not a weakness but a profound strength. It was under his stewardship as Speaker of the House of Representatives that legislative milestones were achieved, creating a foundation for a stronger, more equitable nation,” ayon pa sa pinuno ng Kamara. 


Binanggit din ni Speaker Romualdez ang mga makabuluhang nagawa ni Speaker Joe sa larangan ng diplomasya.


“But it is beyond the confines of the legislature where Speaker Joe’s legacy truly soars. A statesman of international renown, he champions the cause of interfaith dialogue, a crusade that has taken him to the farthest corners of the world. In his voice, the Philippines finds a herald for peace and understanding, a statesman unafraid to confront the fractures of ideology and religion with unwavering resolve. His efforts have earned him accolades and recognition, but more importantly, they have brought nations closer to the ideal of coexistence and harmony,” ayon pa kay Speaker Romualdez.


“Yet Speaker Joe is not only a leader of great ideas; he is a man of profound humanity. He understands the struggles of the common Filipino and has worked tirelessly to uplift their lives through bold reforms and visionary programs. His compassion is not confined to the boundaries of our nation, for he sees humanity as one family, united by shared hopes and dreams,” ayon pa sa pahayag ng kongresista.


Sinabi pa ng kinatawan ng Leyte sa dating Speaker: “Mabuhay ka, Speaker Jose de Venecia. Your legacy is not merely remembered; it is lived, every day, by the people you serve and the nation you love. The Philippines, and indeed the world, will forever be richer for having you.” (END)


@@@@@@@@@@@


Rep. Ortega sa mga botante: Kandidatong pro-China wag iboto



Hinimok ni House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang mga Pilipino na huwag iboto ang mga kandidato na maka-China sa nalalapit na 2025 Midterm elections, sa gitna ng tumitinding agresyon ng Beijing sa West Philippine Sea.


Ang panawagan ni Ortega ay kasunod na rin ng mga ulat na isang barko ng China ang gumamit ng sonic device laban sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Zambales. 


Ang nasabing aparato, na naglalabas ng nakabibinging ingay, ay nagdulot ng seryosong banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino. 


Tinawag din ni Ortega ang insidente bilang isang mapangahas na hakbang at nagbabala na ang patuloy na pagpapabaya sa mga kilos ng China ay maaaring magdulot ng panganib sa soberanya ng bansa.


“This is no longer just about the West Philippine Sea—it’s about our future as a nation,” sabi ni Ortega. “Supporting candidates who are soft on China is the same as endorsing the harassment of our Coast Guard and the exploitation of our natural resources.”


Ang sonic attack, na kauna-unahang insidente sa mga katubigan ng Pilipinas, ay nagbabadya ng isang mapanganib at higit pang paglala ng mga agresibong hakbang ng China.


Patuloy na pinapalakas ng Beijing ang presensya nito sa pinag-aagawang teritoryo, gamit ang mga militia vessel, mga water cannon, at ngayon ay mga acoustic weapons upang takutin ang puwersa ng Pilipinas at mga mangingisda.


“Bawat Pilipino ay dapat magtanong: Pahihintulutan ba natin na kontrolin ng China ang ating mga desisyon? O pipiliin natin ang mga lider na ipaglalaban ang ating soberanya at hindi magpapadala sa mga dayuhang mananakot?” ayon kay Ortega.


Binigyang-diin niya na ang patuloy na pananakot ng China ay hindi lamang usapin sa teritoryo, kundi isa ring isyung pang-ekonomiya. 


“This is about oil, gas, and fish that belong to Filipinos. Electing leaders who sell out our patrimony for political gain is a betrayal of our nation,” giit pa ni Ortega.


“Ang ating soberanya ay hindi ipinagbibili. Kung may mga kandidatong handang sumanib sa interes ng China, wala silang karapatang tumakbo sa anumang posisyon dito sa Pilipinas,” dagdag pa ng kongresista.


Dahil dito, hinimok ni Ortega ang mga botante na gamitin ang kanilang balota bilang sandata upang ipagtanggol ang bansa laban sa panghihimasok ng mga dayuhan. 


“A vote for pro-China candidates is a vote against the heroes who fought for our independence, the fishermen fighting for their livelihood, and the Coast Guard risking their lives to protect our seas,” saad pa ng mambabatas.


Sinabi pa ni Ortega sa mamamayan na ang demokrasya ay namamayani kung mayroong pananagutan.


“We must elect leaders who put the Philippines first—leaders who champion our flag in every forum and stand shoulder-to-shoulder with our people in adversity,” diin pa ni Ortega. (END)


@@@@@@@@@@


Huwag iboto ang mga kandidatong pabor sa China,— Rep. Khonghun  



Nanawagan sa mga botante si House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales noong Lunes, na huwag iboto ang mga kandidato na pumapabor sa interes ng China.


Babala ni Khonghun ang paghalal sa mga kandidatong pro-China ay maaaring magkokompromiso sa soberanya ng bansa, sa gitna ng mga iligal na pagpasok ng China sa West Philippine Sea (WPS).


Sinabi pa ni Khonghun, chairman ng House Special Committee on Bases Conversion, ipinakita sa pinakahuling survey na dumarami ang mga Pilipinong tumututol sa agresibong hakbang ng China sa mga katubigan ng Pilipinas.


Ayon sa resulta ng Pulse Asia survey na kinomisyon ng Stratbase ADR Institute, 73% ng mga Pilipino ang hindi susuporta sa mga kandidatong itinuturing na pro-China, isa umanong pagpapakita ng malawakang pananaw ng kawalan ng tiwala sa China.


Gayundin, ang ginawang survey ng OCTA Research noong Marso 2024 na nagpakita na 76% ng mga Pilipino ang naniniwalang ang China ang pinakamalaking banta sa bansa, na nagpapakita ng labis na pagkabahala hinggil sa integridad ng teritoryo at pambansang seguridad.


“Malinaw ang mensahe ng ating mga kababayan. Hindi nila tatanggapin ang mga kandidato na pumapanig sa China. Ang eleksyon ngayong Mayo ay pagkakataon nating ipakita na hindi natin ibebenta ang ating soberanya,” giit ni Khonghun.


Dagdag pa niya na mahalaga para sa mga Filipino na pumili ng mga pinunong magtatanggol sa mga mangingisdang Filipino at sa mga iligal nitong gawain sa West Philippine Sea. 


“Ang darating na eleksyon ay mahalaga hindi lamang para magluklok tayo ng ating mga lokal at pambansang lider, kundi isyu na rin ito ng national security. We must choose leaders who will defend our territorial rights, not those who will bow down to China’s influence,” saad nito.


Ipinunto ni Khonghun ang kahalagahan ng matatag at sama-samang paninindigan laban sa foreign aggression, kasabay paalala sa mga botante na ang kanilang desisyon sa halalan ang huhubog sa kinabukasan ng bansa.


“Ang boto natin ay sandata laban sa mga kandidatong nagpapagamit sa China. Huwag natin hayaan na masira ang kinabukasan ng ating bayan,” ayon pa sa mambabatas.


Ayon sa mambabatas, dapat masusing pag-aralan ng mga botante ang mga kandidatong may kaduda-dudang ugnayan sa China, dahil maaaring maapektuhan ng kanilang mga polisiya ang ekonomiya at seguridad ng bansa. Nanawagan siya sa mga botante na unahin ang pagmamahal sa bayan at katapatan kaysa sa mga pansamantalang pangako at pampulitikang alyansa.


Nagbabala rin si Khonghun sa publiko kaugnay sa disinformation campaigns na layuning linlangin ang mga botante upang suportahan ang mga kandidatong maka-China. 


“The Chinese propaganda machinery is at work, influencing narratives and promoting their chosen candidates. We must stay vigilant and informed,” babala pa ng kongresista.


Hinimok din ng mambabatas ang mga Filipino na magka-isang tutulan ang anumang panghihimasok ng mga dayuhan at sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa.


“Panahon na upang ipakita natin ang ating pagkakaisa bilang isang bansa,” giit pa nito.


Binigyang-diin ni Khonghun ang kanyang patuloy na pagsuporta sa mga polisiya na magpapaigting sa kakayahan ng bansa sa depensa at tutulong sa mga lokal na industriya na apektado ng mga hakbang pang-ekonomiya ng China. Hinimok din niya ang mga kapwa mambabatas na patuloy na isulong ang matatag na posisyon sa pagprotekta sa interes ng bansa.


“We will not allow China’s creeping influence to dictate our future. The Filipino people deserve leaders who will fight for them, not those who will sell out their principles,” ayon pa kay Khonghun. (END)


@@@@@@@@@@


Dapat bang ipagkatiwala ang PH power grid sa kalaban sa WPS? – Rep. Luistro


Ikinabahala ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang posibleng banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ng pagpasok ng mga Chinese national sa nag-iisang power grid ng bansa lalo at mayroong agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).


Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises noong nakaraang Huwebes, tinanong ni Luistro ang pagdepende ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Chinese technology at nanawagan ng agarang aksyon upang matiyak na nabibigyan ng angkop na proteksyon ang mahahalagang imprastruktura ng bansa.


“The apprehensions we are facing right now about having our national grid possibly controlled by a foreign national is right before our eyes. While it is just an apprehension, this is a question that needs to be answered with absolute certainty,” ani Luistro.


Ang NGCP ay gumagamit ng teknolohiya ng NARI Group Corporation, isang kumpanyang pag-aari ng gobyerno ng Tsina na may gawa ng hardware at software na nagpapatakbo sa SCADA system ng power grid.


Ang SCADA ay nagsisilbing nervous system ng electricity network ng Pilipinas, na kumokontrol mula sa mga planta ng kuryente hanggang sa mga transmission lines.


Ang NARI o Nanjing Automation Research Institute, isang supplier ng military-grade technology, kabilang na ang kakayahan ma-access ang system kahit nasa malayong lugar.


Iniugnay ni Luistro ang mga posibleng panganib sa seguridad dulot ng foreign control sa agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS), kung saan patuloy na nakakaranas ng panggigipit ang mga lokal na mangingisda at mga barko ng Pilipinas mula sa Chinese forces.


“With our present situation in the West Philippine Sea, Mr. Chair, I hope the Filipino people are walking with me right now,” saad ni Luistro, sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Parañaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting.


Dagdag pa ng mambabatas, “Exclusive economic zone, which is exclusive for Filipino citizens as confirmed by UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) as confirmed by the international arbitration. And yet we continue to be harassed, threatened, and even injured by foreign nationals right in our sovereign land.”


Tanong ni Luisto kung tama bang ipagkatiwala ang power grid ng bansa sa mga banyagang kumpanya na may ganitong uri ng record.


“Will you have the peace of mind na ipagkatiwala ang kaisa-isa mong national grid sa kaaway mo sa West Philippine Sea? Will you have the peace of mind that the national grid relies on these Chinese citizens who are maligning, harassing, and threatening our fellow Filipinos?” saad ng kinatawan ng Batangas. 


Sinabi pa ni Luistro: “Will you have the peace of mind that no Filipinos understand this technology and only Chinese engineers do? Will you have the peace of mind that the technology can be controlled by somebody in Nanjing, leaving all of us helpless?”


Iginiit pa ng lady solon ang mga panganib ng remote manipulation ng power grid, na ayon na rin kay dating National Transmission Corporation (TransCo) president Melvin Matibag ay dalawang beses ng nangyari.


Una na ring sinabi ni Matibag sa franchise committee na ilang beses nang nag-ayos ang NARI sa SCADA system ng malayuan mula sa China. 


Higit pang nagpatindi sa pangamba ni Luistro ang ginawang pag-amin ng mga opisyal ng NGCP, kabilang na ang sinabi ni Chief Administrative Officer Paul Sagayo at Spokesperson Cynthia Alabanza, na ang NARI ang patuloy na nagsasagawa ng maintenance services.


“All aspects of Filipinos’ lives rely on electricity—manufacturing, transportation, communication, you name it,” giit ni Luistro. “What will happen to us if indeed this technology is under Chinese control, and they decide to sabotage our country?”


Binanggit din niya ang nakakatakot na posibilidad ng isang planadong pag-shut down, na binanggit ang mga cyberattack sa mga power grid sa ibang bansa.


“I can be wrong. We can be wrong. But the question is, what if this apprehension is correct?” pangamba pa nito.


Pinuna rin ni Luistro ang kabiguan ng mga regulatory agencies na magsagawa ng masusing audit sa operasyon ng NGCP, at binanggit ang mga direktibang ibinigay ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na hindi naipatupad. 


“Since 2009, followed by 2010, and then 2016, and then 2017, there was never a system audit,” saad pa ni Luistro.


“The 2020 system audit that was shared to us by Atty. Dimalanta, for her own admission, did not rule out the apprehension that this system of NGCP cannot be controlled remotely,” dagdag pa niya. 


Kinumpirma rin ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na ang hindi pagsunod ng NGCP ay naging hadlang sa mga naunang pagsisikap na magsagawa ng audit. 


“There was hesitation on the part of the NGCP to provide full access to its system,” ayon kay Dimalanta.


Ang panel ni Tambunting ay nagsasagawa ng motu proprio investigation sa performance ng NGCP, na nakatuon sa kanilang pagsunod sa mga probisyon ng franchise at constitutional provisions hinggil sa foreign ownership at management.


Ang NGCP, na nagpapatakbo ng power transmission grid ng bansa, ay 40% na pag-aari ng State Grid Corporation of China (SGCC), habang ang mga negosyanteng Pilipino na sina Henry Sy Jr. at Robert Coyiuto Jr. ay nagmamay-ari ng tig-30% sa pamamagitan ng Synergy Grid and Development Philippines.


Bagamat ang istraktura ng pag-aari ay sumusunod sa 60-40 na patakaran, kinukwestyon ng mga mambabatas ang presensya ng mga Chinese nationals sa mga pangunahing posisyon sa executive at managerial roles.


Lumalabas sa 2024 General Information Sheet ng NGCP, nakatala ang Chinese national na si Zhu Guangchao bilang Chairman of the Board. Habang ilan pang mga Chinese ang humahawak ng mga critical position, kabilang na sina Assistant Chief Technical Officer Liu Zhaoquiang at Chief Technical Officer Wen Bo.


Hiniling ni Luistro sa komite na ipa-subpoena ang shareholders agreement sa pagitan ng NGCP at SGCC, suriin ang mga system control facilities, at imbitahan ang mga kinatawan ng NARI upang magpaliwanag.


“My point, Mr. Chair, to NGCP: Give us the concrete, tangible, apparent, and absolute reason to believe that our transmission grid is under Filipino control and never under Chinese control,” saad pa ng mambabatas. (END)


@@@@@@@@@@@


Hindi pagkakasundo ng polisiya ng DOH, PhilHealth nagdulot ng paghihirap sa mga milyong miyembro



Inamin ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma na ang pagkakaiba ng mga polisiya ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ay nagresulta sa hindi kinakailangang paghihirap ng milyong miyembro ng state insurer.


Ginawa ni Ledesma ang pag-amin sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Miyerkoles kung saan sinilip ang mga mambabatas ang mga isyu ng duplication, inefficiency at hindi nagamit na pondo na ibinigay ng gobyerno sa PhilHealth.


Sa pagdinig, sinilip ni Iloilo Rep. Janette Garin ang matagal na umanong problema sa koordinasyon ng DOH at PhilHealth upang epektibong matugunan ang kakulangan ng pondo para sa healthcare.


“In other words, hindi kaya ng PhilHealth na lahat ng problema sa kalusugan ay siyang sumalo. Hindi rin naman kaya ng DOH na yung mga gastusin sa loob ng hospital ay sa DOH,” sabi ni Garin, na dating kalihim ng DOH.


Inamin ni Ledesma na mayroong mga overlap sa trabaho ng DOH at PhilHealth at dapat umanong matugunan ang mga ito upang mas mapaganda ang inihahatid nilang serbisyo. Sumang-ayon din si Ledesma sa pagsasagawa ng internal review sa mga nangyari upang mas mapag-aralan ang mga isyung dapat na tugunan.


Binigyan-diin ni Garin ang kahalagahan na matukoy ang hangganan ng mga trabaho ng dalawang ahensya upang maiwasan ang duplication at delay sa paggampan dito.


“DOH is for promotive and preventive healthcare, while PhilHealth should focus on curative healthcare and catastrophic illnesses,” sabi pa ni Garin.


Tinukoy ni Garin ang pagbili ng mga medical supply na kanilang sa mga overlapping na trabaho ng dalawang ahensya.


“Ang binibili ng DOH hindi dapat nire-refund ng PhilHealth. Ang packages ng PhilHealth ay hindi nagdodoble sa packages ng DOH,” sabi ng DOH.


Sinabi naman ni PhilHealth Vice President Lemuel Untalan na patuloy na nililinis ng PhilHealth ang listahan nito upang mahanap ang mga naulit na pangalan at maalis ang mga hindi kuwalipikadong benepisyaryo.


“Tama po kayo,” sabi ni Untalan ng tanungin kung nagsasagawa ng update ang ahensya sa listahan nito upang hindi na mabayaran ang premium ng mga indibidwal na hindi na kuwalipikado.


Kinuwestyon din ni Garin ang legalidad ng mga ginawa ng PhilHealth gaya ng retroactive enrollment ng mga senior citizen bago ang opisyal na implementasyon ng Universal Health Care law. 


“My question, Mr. Chair, is that legal or illegal? Pwede ka bang i-enroll three times sa senior?” tanong nito.


Hindi naman nakapagbigay ng direktang sagot ang PhilHealth, at sinabi ni Ledesma na kailangan nilang repasuhin ang mga dokumento na ginawa ilang taon na ang nakakaraan.


Iginiit din sa pagdinig ang pangangailangan na ma-update ng regular ang listahan ng mga mahihirap na miyembro nito.


Ipinaliwanag ni Untalan na ang listahan na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng National Household Targeting System (NHTS) ay na-a-update lamang kada apat na taon.


Ipinunto ni Garin na dahil hindi updated ang listahan ay hindi tuwirang nagagamit ang mga inilaang pondo na para sa pagpaparami ng mga benepisyo at pagbabawas ng ibinabayad na premium.


Inamin ni Ledesma na dapat repasuhin ang mga polisiya ng DOH at PhilHealth na hindi magkatugma at nangako ito na magbibigay ng detalyadong ulat sa Kongreso kung papaano nagamit ang mga pondong inilaan sa mga nagdaang taon.


Tiniyak naman ni ASec. Albert Domingo ng DOH na mayroong mga ginagawang hakbang upang mapaganda ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya.


Nagpahayag din ng pangamba ang mga mambabatas sa pagtaas umano ng bayarin sa ospital ng pasyenteng miyembro ng PhilHealth, na sinabi ni Garin na isang isyu na matagal ng nangyayari.


“Kapag PhilHealth ang magbabayad, biglang tumataas ang presyo ng mga gamot at laboratory tests,” sabi ni Garin.


Kinilala naman ni Dr. Israel Francis Pargas ng PhilHealth ang problemang ito at sinabi na binabantayan ng kanilang legal at investigative teams ang maling gawaing ito ng mga ospital. (END)


@@@@@@@@@@@


Imbestigasyon sa mga nagkakalat ng fake news, sisimulan na ng Kamara


Sisimulan na ng Kamara de Representantes ang imbestigasyon nito kaugnay ng talamak na pagkalat ng fake news at disinformation sa publiko.


Ang imbestigasyon ay isasagawa ng Tri-Committee na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at on Information and Communications Technology (ICT). Layunin ng imbestigasyon na tuklasin at ilantad ang mga nasa likod ng massive disinformation machinery at ang epekto nito sa lipunan, partikular sa mga Pilipino.


Itinakda sa Lunes ang gaganaping unang executive briefing na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez.


Binigyan-diin ni Fernandez ang kahalagahan ng agarang matugunan ang malawakang disinformation o pagpapakalat ng maling impormasyon para linlangin ang publiko na aniya’y nakakaapekto sa pambansang pagkakaisa, kaayusan sa lipunan at mga demokratikong proseso.


“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” giit ni Fernandez.


Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa briefing ang mga kinatawan mula sa mga pangunahing social media platforms upang ipaliwanag ang kanilang mga polisiya at hakbang sa pananagutan sa paglaban sa fake news, cyberbullying, at mapanirang content.


Nais ng mga mambabatas sa Kamara na malaman ang kakayahan at ang ipinapatupad na polisiya ng mga online platforms sa paglaban sa disinformation, gayundin ang paglikha ng kinakailangang batas bilang solusyon. 


Tiniyak ni Fernandez na ang mga nagkakalat ng kasinungalingan at nagmamanipula ng impormasyon para sa sarili at political na interes ay dapat na panagutin.


“Hindi natin hahayaang magpatuloy ang sistemang ito kung saan nalilinlang ang ating mga kababayan. Panahon na upang malaman natin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan para sa pansariling interes,” saad pa nito.


Kabilang sa mga pangunahing isyu na tatalakayin sa briefing ang transparency ng mga social media platforms sa pagtukoy at pagtanggal ng maling impormasyon, ang pagpapatupad ng mga hakbang sa pananagutan laban sa mga paulit-ulit na lumalabag tulad ng mga iresponsableng vlogger at influencer, at ang mas malawak na epekto ng disimpormasyon sa pambansang seguridad, lalo na sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.


Tututukan din sa imbestigasyon ng Kamara ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalu na sa kabataan at marginalized na siyang pangunahing biktima cyberbullying at online harassment.


Inaasahan na magsusulong ang mga mambabatas ng mas pinatibay na mga polisiya upang matiyak na magpapatupad ang mga social media platforms ng mas mahigpit na mga proteksyon at parusa laban sa mga lalabag.


Nagbabala rin si Fernandez at nangakong magsasagawa ng agarang aksyon ang Kongreso laban sa mga nagpapakalat ng fake news.


“Sa mga nagpapalaganap ng kasinungalingan, binabalaan namin kayo. Sisiguraduhin natin na may pananagutan ang mga nagkakalat ng fake news,” paliwanag pa nito.


Hinimok din niya ang publiko na maging mapagbantay at mapanuri sa mga impormasyong kanilang binabasa online, at hinikayat ng sama-samang pagsisikap upang labanan ang paglaganap ng fake news.


“Ang laban na ito ay hindi lamang sa loob ng Kongreso, kundi laban ito ng bawat Pilipino na naghahanap ng katotohanan,” dagdag pa ng kongresista.


“Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating mga kababayan.” (END)


@@@@@@@@@@@@


Speaker Romualdez kumpiyansa na PH makakakuha ng mas maraming dayuhang pamumuhunan mula sa WEF 2025


Buo ang tiwala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na papasok ang mas maraming dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas, na lilikha ng mas maraming trabaho at magpapasigla sa paglago ng ekonomiya ng bansa, matapos ang matagumpay na pakikilahok ng delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) Annual Meeting 2025. 


"The discussions we held in Davos reaffirm the immense potential of the Philippines as a key destination for global investments," ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng higit sa 300-kinatawan ng Kamara de Representantes.


"We are grateful to President Ferdinand Marcos Jr. for sending a delegation that has showcased the many reasons why global investors should choose the Philippines. The reception has been overwhelmingly positive, and I am confident that this will translate to more investments that will fuel our economic growth," dagdag pa nito.


Si Romualdez ay kabilang sa mga naging panelist sa talakayan, kung saan kanyang ibinahagi ang isang di-inaasahang pagtatagpo sa prominenteng industrialist mula sa India noong WEF 2024, na nauwi sa produktibong pakikipagtulungan para sa isang lokal na negosyo.


“I invited him to the Philippines, and he liked what he saw. And in fact, had it not been for the WEF, he would never have realized that the Philippines was open and welcoming to business from India,” saad pa ni Speaker Romualdez. 


Pinasalamatan din ng pinuno ng Kamara ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas, kabilang na si Finance Secretary Ralph Recto, Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, at mga nangungunang business leaders mula sa iba’t ibang sektor, sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa pagsusulong ng mga oportunidad pang-ekonomiya ng bansa.


“I thank my fellow delegates for their tireless efforts and invaluable contributions in generating global interest in the Philippines,” saad pa ni Speaker Romualdez. 


“From highlighting our young and dynamic workforce to presenting our pro-business policies such as the CREATE MORE Law and the Maharlika Investment Fund, we have successfully demonstrated that the Philippines is a viable and vibrant investment destination.”


Pangunahing Pagpupulong 


Bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas, naging bahagi si Speaker Romualdez ng mga high-level discussion at nakipag-ugnayan sa mga prominenteng lider ng kompanya at mga opisyal mula sa iba’t ibang bansa.


Isa sa naging tampok sa pagpupulong ang pagiging bahagi ni Speaker Romualdez bilang panelist sa Stakeholder Dialogue na may temang “Navigating Asia’s Hotspots,” kung saan binanggit niya balanseng pamamahala ng Pilipinas sa geopolitical issues at sa pagpapanatili ng katatagang pang-ekonomiya.


“We presented a clear narrative of the Philippines as a reliable partner in the Indo-Pacific region, not only geopolitically but also economically. Our focus is on fostering peace, stability, and cooperation, which are vital for sustained growth,” pahayag pa ng mambabatas.


Kasama ang delegasyon ng Pilipinas, nag-organisa si Speaker Romualdez ng Philippine Breakfast Interaction sa WEF, kung saan nagsama-sama ang halos 50 international public and private sector leaders sa isang briefing tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas at ang malaking potensyal nito bilang susunod na pangunahing destinasyon ng pamumuhunan.


Kabilang sa mga kilalang dumalo sina Marcus Wallenberg, Chairman ng Skandinaviska Enskilda Banken; Philippe Amon, Chairman at CEO ng SICPA SA; Catarina Amon, CEO at Founder ng Classeek; Anthony Tan, CEO at Co-Founder ng Grab; John Riady, Group CEO ng Lippo Indonesia; Tony Fernandes, CEO ng AirAsia; at Calvin Choi, CEO ng AMTD.


Naroroon din sina Jay Collins, Vice Chairman ng Citi; Helena Lersch, Vice President ng Public Policy ng Tiktok; Amit Kalyani, Vice-Chairman at Joint Managing Director ng Kalyani Strategic Systems Limited; at Albert Chang, Managing Partner ng Southeast Asia, McKinsey & Co., at iba pa.


Sa talakayan, ibinida ng delegasyon ng Pilipinas ang matatag na ekonomiya ng bansa na pinapalakas ng e-commerce, na nagtatampok sa Pilipinas bilang fastest-growing digital economy sa ASEAN sa 2024.


“Our interactions with these business leaders further underscored the attractiveness of the Philippines for trade and investment. They recognized the strategic advantages of our country, including its location, young workforce, and robust economy,” saad pa Speaker Romualdez.


Investment-friendly Reforms


Ipinunto rin ng delegasyon ng Pilipinas sa WEF 2025 ang mga legislative reforms sa ilalim ng administrasyong Marcos bilang konkretong patunay ng kahandaan ng Pilipinas na tugunan ang mga alalahanin ng mga investor upang mapabuti ang kalagayan ng negosyo sa bansa.


Ilan sa mga nabanggit ang CREATE MORE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) law, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Nobyembre ng nakaraang taon.


Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na ang layunin ng CREATE MORE law ay mapabilis ang pagpasok ng pamumuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas pinahusay na mga insentibo sa buwis, pagpapadali ng proseso ng pag-apruba ng mga pamumuhunan, pagpapasimple ng mga patakaran sa VAT, at pagbibigay ng mga targeted incentives para sa mga strategic investments.


“These reforms, alongside the recently enacted Maharlika Investment Fund, signal our government’s commitment to fostering a business-friendly environment and providing investors with the confidence to choose the Philippines,” paliwanag pa ni Speaker Romualdez.


Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na gamitin ang momentum na nakuha mula sa pakikilahok ng bansa sa WEF, sa ikatlong magkasunod na taon.


"Our participation in the World Economic Forum has once again placed the Philippines on the radar of global investors. We are ready to turn these opportunities into concrete investments that will uplift our people and accelerate our progress," giit pa nito. (END)


 @@@@@@@@@@@@@


>> Batas na Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 9, 2024:


Synthesis ng Republic Act No. 12120, o ang “Philippine Natural Gas IndustryDevelopment Act”


Ang RA 12120 ay naglalayong paunlarin ang industriya ng likas na gas sa Pilipinas bilang ligtas, epektibo, at abot-kayang pinagkukunan ng enerhiya upang makamit ang seguridad sa enerhiya habang unti-unting naglilipat tungo sa mga renewable energy sources.


Mahahalagang Nilalaman

1. Pagtatatag ng Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI):

Pinagsasama-sama ang mga batas ukol sa transmisyon, distribusyon, at suplay ng natural gas.

Tinatakda ang regulasyon at pagpaplano para sa pagsulong ng industriya.

2. Mga Pangunahing Prinsipyo:

Ligtas at maaasahang operasyon ng industriya.

Pag-akit ng pribadong kapital upang mapanatili ang kumpetisyon.

Suporta sa lokal na produksyon ng natural gas kaysa sa importasyon.

3. Mga Regulasyon:

Magtatakda ang Department of Energy (DOE) ng mga teknikal na pamantayan, safety protocols, at regulasyon sa mga PDNGI facility.

Pangangasiwa sa pagtatayo, operasyon, pagpapalawak, at pagdekomisyon ng mga pasilidad.

4. Pagpapaunlad ng Lokal na Produksyon:

Prayoridad ang eksplorasyon at paggamit ng indigenous natural gas upang mabawasan ang pagdepende sa imported LNG.

5. Pagpapalakas ng Kakayahan:

Pagsasanay ng teknikal na tauhan sa gobyerno at pribadong sektor upang suportahan ang PDNGI.

6. Pag-iwas sa Kompetisyong Hindi Makatarungan:

Pagpapataw ng parusa sa mga mapanlinlang na gawain tulad ng anti-competitive agreements alinsunod sa Philippine Competition Act.


Mga Benepisyo

Seguridad sa Enerhiya: Magiging maaasahang supply ng enerhiya para sa bansa.

Paglago ng Ekonomiya: Pagbukas ng mga oportunidad para sa pamumuhunan.

Mabuting Pangangalaga sa Kapaligiran: Mahigpit na pagsunod sa mga patakaran ukol sa kalusugan, kaligtasan, at kapaligiran.


@@@@@@@@@@@@@


[Segmento 2: Recap ng Plenaryong Pagpupulong sa Linggo (20-30 minuto)

Mga Pangunahing Pangyayari sa Plenaryo.

Ibahagi ang mga mahahalagang talakayan, debate, at desisyon.

Banggitin ang mga pangunahing mambabatas at ang kanilang mga posisyon.

Mabilisang Paliwanag.

Paliitin o gawing simple ang isang teknikal o kontrobersyal na paksa.]

 @@@@@@@@@@@@@


>> Synthesis ng Plenary Proceedings (Enero 27-28, 2025)


Pangkalahatang obserbasyon:

Sa dalawang araw ng plenary proceedings sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Enero 27 at 28, 2025, tinalakay at inaprubahan ang mahahalagang panukalang batas na may kaugnayan sa edukasyon, hustisya, eleksyon, at iba pang isyung pambansa. Nagbigay rin ng privilege speeches ang ilang mambabatas tungkol sa mga kritikal na usapin, tulad ng kapakanan ng mga OFW, pondo ng BARMM, at presyo ng bilihin.


Enero 27, 2025 (Lunes)


Privilege Hour

Ilan sa mga mahahalagang talumpati:

Edukasyon: EDCOM2 Year Two Report nina Rep. Roman Romulo at Rep. Mark Go tungkol sa reporma sa edukasyon.

Kapakanan ng mga OFW: Rep. Marissa Magsino ukol sa mga nakakulong na OFW sa ibang bansa.

Pondo ng BARMM: Rep. Zia Alonto Adiong sa umano’y maling paggamit ng Local Government Support Funds.

Presyo ng Bilihin: Rep. Arlene Brosas tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Pangingisda sa Municipal Waters: Rep. Rufus Rodriguez at Rep. Raoul Danniel Manuel sa epekto ng Supreme Court ruling sa commercial fishing.


Mga Panukalang Batas:

Ipinagpaliban ang deliberasyon:

HB 11218 – Pantay na karapatan ng lalaki at babae sa batas ng kasal at pamilya.

Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa:

HB 11287 – Pagpapalawig ng termino ng Barangay at SK officials mula 3 taon patungong 6 na taon.

HB 11204 – Pagpapalakas ng Legal Education Board.

HB 11229 – Pagkilala sa mga Pilipinong sports heroes sa Libingan ng mga Bayani.

Na-ratipikang Bicam Report:

HB 11199/SB 2878 – Reorganisasyon ng NEDA.


Enero 28, 2025 (Martes)


Inaprubahan sa Ikatlo at Huling Pagbasa:

HB 11230 – Bagong charter ng Development Bank of the Philippines.

HB 11198 – Pagtatalaga ng Setyembre bilang National Bullying Awareness and Prevention Month.

HB 11213 – Pagsusulong ng education pathways para sa basic education students.

HB 11214 – Pagtatatag ng Private Basic Education Voucher Program.

HB 11255 – Modernisasyon ng Philippine Postal Corporation ZIP Code system.


Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa:

HB 11286 – Pagpapalakas ng administrasyon ng excise tax sa tobacco at vaping products.

HB 11341 – Pagtatalaga sa PUP bilang National Polytechnic University.

HB 10902 – Pagdedeklara sa Nobyembre 7 bilang National Working Holiday para sa unang mosque sa Pilipinas.

HB 11317 – Pagpapataw ng parusa sa nuisance candidates sa eleksyon.

HB 11340, HB 11349, HB 11350, HB 11352 – Pagdaragdag ng RTC branches sa Cavite, Bukidnon, Butuan, at Valenzuela.

HB 11337 – Proteksyon sa karapatan ng informal ambulant vendors.

HB 11355 – Pagpapalakas ng industriya ng hayupan.

HB 11357 – Pagpapabuti ng Universal Health Care Act.

HB 11358 – Pagbibigay ng fiscal autonomy sa hudikatura sa pamamagitan ng Judiciary Trust Fund.

HB 11360 – Amendments sa National Revenue Code.

HB 11370 – Magna Carta of Children.


Pagkakasundo sa Senate Bill:

SB 2814 (HB 6509) – Libreng legal assistance para sa AFP, BFP, BJMP, PCG, at PNP personnel na may kasong may kaugnayan sa kanilang tungkulin.


Adopted Resolutions:

HR 2190 – Pagkilala sa Catholic Women’s Club sa kanilang charitable initiatives.

HR 2191 – Pagsusulong ng mas maayos na proseso sa 4Ps.

HR 2207 – Pagbibigay ng provisional authority sa Starlink Internet Services Philippines, Inc.

HR 2198 – Pagpupugay sa yumaong aktres na si Gloria Romero.


Konklusyon:


Ang plenary proceedings noong Enero 27-28, 2025, ay naging makabuluhan dahil sa pagpapatibay ng mga batas na may kaugnayan sa edukasyon, ekonomiya, hustisya, at eleksyon. Ang pagsulong ng mga reporma sa edukasyon, pagpapalakas ng hudikatura, at proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa ay ilan lamang sa mga pangunahing hakbang tungo sa mas maunlad at makatarungang pamamahala sa bansa.


Susunod na Hakbang:

Ang mga naipasa nang panukalang batas ay isusumite sa Senado para sa pagsasabatas, habang ang mga resolusyong pinagtibay ay ipatutupad na ng mga kinauukulang ahensya.


@@@@@@@@@@@@@


Konklusyon:

Ang mga plenary proceedings noong Enero 27 at 28 ay nagpakita ng aktibong pagtalakay sa mga mahahalagang usaping pambansa. Mula sa reporma sa edukasyon, kapakanan ng mga OFW, transparency sa pondo ng BARMM, hanggang sa pagpapalakas ng batas sa pamilya at lokal na pamahalaan, patuloy na isinusulong ng Mababang Kapulungan ang mga batas na may direktang epekto sa sambayanang Pilipino.


Susunod na Hakbang:

Matapos ang pagpasa sa ilang panukalang batas sa ikalawang pagbasa, inaasahang magtutuloy ang deliberasyon sa Senado upang ganap na maisabatas ang mga ito.


@@@@@@@@@@@@


>> Barbers nananawagan na magtatag ng Deuterium R&D Office; hikayatin ang mga siyentipiko at eksperto sa energy development upang magsaliksik, tuklasin, at minaing ito bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya


Naghain ng panukalang batas ang isang mambabatas mula Mindanao na naglalayong magtatag ng isang research and development agency upang tuklasin at magamit ang deuterium bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya, kasabay ng pagsisikap na matugunan ang tumataas na halaga ng gasolina at enerhiya sa bansa.


Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at lead chair ng Lower House’s Quad Committee, tinukoy ng ilang miyembro ng siyentipikong komunidad na ang Philippine Trench o Mindanao Deep, na matatagpuan sa baybayin ng Surigao del Norte, ang may pinakamalaking deposito ng deuterium sa buong mundo.


“Mahalaga na tuklasin at mag-invest sa mga alternatibong pinagkukunan ng enerhiya tulad ng deuterium na sustainable at environment-friendly. Ang patuloy na pag-asa sa fossil fuels bilang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ay nagpapalala sa global warming dahil sa labis na carbon emissions, na nagbabanta sa mga ecosystem at sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon,” ani Barbers.


Sa ilalim ng kanyang House Bill No. 11295 na inihain noong Enero 15, binigyang-diin ni Barbers ang pangangailangang magtatag ng Philippine Deuterium Research and Development Authority (PDRDA) upang maghanda ang bansa na magsagawa ng proactive na hakbang sa pagtuklas ng deuterium, na nananatiling hindi pa nagagamit na pinagkukunan ng enerhiya.


Ang PDRDA ay magiging isang attached agency ng Department of Science and Technology (DOST). Bukod sa pagiging R&D office para sa deuterium, magkakaroon ito ng kapangyarihan na pangasiwaan ang pagpasok ng mga dayuhang eksperto at mapagkukunan upang mapabilis ang scientific information at technology transfer ng lokal na kaalaman tungkol sa deuterium-based energy source.


Magkakaroon din ng Board of Trustees na binubuo ng mga opisyal ng gobyerno mula sa larangan ng energy research, kinatawan mula sa pribadong sektor, at mga miyembro ng mga organisasyon ng siyentipiko at inhinyero sa energy research and development.


Sinabi ni Barbers na mula pa noong dekada 1980, bagamat may ilang tumututol dito, umiiral ang mga ulat na ang Pilipinas ang may pinakamalaking deposito ng deuterium sa buong mundo, partikular sa Philippine Deep, at ang pagmimina nito ay makikinabang sa ekonomiya ng bansa.


“Di natin maitatanggi na ang mga malalaking oil companies at mga bansang nagpo-produce ng langis ay maaaring ma-threaten sa potensyal ng deuterium bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya dahil posibleng magbago ang kanilang mga ekonomiya kung magamit natin ito,” sabi niya.


“Hindi malayong mag-effort sila o maglagay ng pressure o magpakalat ng disinformation para pigilan ang R&D natin sa deuterium na tinaguriang ‘fuel of the future,’” dagdag niya.


Hanggang sa 2021, iniulat na ang paggamit ng deuterium bilang pangmalawakang pinagkukunan ng enerhiya ay nasa maagang bahagi pa lamang ng pananaliksik. Ayon sa Philippine National Oil Company, patuloy pa rin ang pag-aaral tungkol dito, at “technologically speaking, ang deuterium bilang fuel ay hindi pa masyadong napag-aaralan at pangunahing ginagamit pa lamang sa mga prototype ng nuclear fusion reactors.”


Ang deuterium ay isang isotope ng hydrogen na may neutron at natatagpuan sa halos isa sa bawat 6,400 hydrogen atoms. Sinasabing sagana ito sa mga karagatan.


“Ito ay isang malinis na pinagkukunan ng enerhiya na walang masamang carbon emissions. Ang byproducts nito ay limitado lamang sa water vapor o steam. Maaari rin itong maging kapalit ng tradisyunal na fuels tulad ng gasolina, LPG, at aviation fuel, na nagbibigay ng mas versatile at sustainable na solusyon para sa pagpapatakbo ng internal combustion engines,” paliwanag ni Barbers.


@@@@@@@@@@@@@@


Segmento 3: Pagpapaliwanag ng Proseso ng Batas (10-15 minuto)

Pumili ng isang proseso ng paggawa ng batas na tatalakayin.

Halimbawa: paano nagiging batas ang isang panukalang batas.

Ipaliwanag ito sa simpleng Filipino.

Iugnay ito sa isang kasalukuyang isyu kung maaari.


Segmento 4: Mga Pangyayari sa Pagdinig ng Komite (20-30 minuto)

Mga Pangunahing Pagdinig sa Linggo.

Ibahagi ang mga update mula sa mga pagdinig ng komite.

Ituon ang pansin sa mga isyung mahalaga sa publiko.

Halimbawa: pambansang badyet o mga reporma sa edukasyon.

Mga Pahayag mula sa Panauhin (Opsyonal).

Magpatugtog ng mga soundbite o pahayag kung mayroon.

Magbigay ng inyong sariling pagsusuri pagkatapos.


@@@@@@@@@@@@@@


Segmento 5: Komentaryo at Pagsusuri (20-25 minuto)

Pagsusuri ng mga Pangunahing Isyu.

Talakayin nang mas malalim ang isang mainit na isyung pambatasan.

Gamitin ang Filipino at Ingles para sa mas malinaw na pagpapaliwanag.

Pakikilahok ng Tagapakinig (Opsyonal).

Ibahagi ang mga tanong o opinyon ng mga tagapakinig mula sa social media.


Segmento 6: Pagsasara (5-10 minuto)

Balikan ang mga pangunahing puntong natalakay sa programa.

Banggitin kung ano ang aabangan sa susunod na episode.

Hikayatin ang mga tagapakinig na sundan ang programa.

Tapusin sa inyong pirma o karaniwang pamamaalam sa Filipino.


@@@@@@@@@@@@@@


Before Commercial Break:


>> Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”


Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”


@@@@@@@@@@@@


Bago tayo dadako sa pagtatapos, nais kong basahin ang mensahi ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman hingil sa pagpanaw ng kanyang amang si Congressman Edsel Lagman:


Ikinalulungkot naming ipaalam ang pagpanaw ng aming minamahal na ama, Kinatawan ng Unang Distrito ng Albay at Pangulo ng Liberal Party, Edcel C. Lagman.


Nilisan niya ang mundong ito sa parehong paraan ng kanyang pamumuhay—may integridad, malasakit, at tapang. Lumaban siya hanggang sa huli, taglay ang matibay na paninindigan, hindi matitinag na determinasyon, at hindi nawawalang pag-asa na siyang naglarawan sa lahat ng kanyang ipinaglaban.


Siya ay maaalala at pararangalan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasama bilang isang kahanga-hanga at mapagbigay na ama; isang mapagmahal, maalalahanin, at mabuting kapatid, tiyuhin, at lolo; isang tapat at maaasahang kaibigan; at isang matuwid, prinsipyado, at matatag na tagapagtanggol ng karapatang pantao at ng batas.


Mananatili siyang buhay sa aming mga puso, at patuloy naming ipagmamalaki ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pamumuhay nang ayon sa mga prinsipyong kanyang ipinaglalaban.


Sa kanyang huling sandali ng kapayapaan, napapaligiran siya ng kanyang mga anak, mga kapatid, at mga mahal sa buhay.


Isinilang siya noong ika-1 ng Mayo 1942 at sumakabilang-buhay noong ika-30 ng Enero 2025, eksaktong 5:01 ng hapon, dahil sa cardiac arrest.


— Tabaco City Mayor Krisel Lagman


@@@@@@@@@@@@


Recap Segment:


“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”


Closing Segment:


“Haay… dalawang oras na naman ang lumipas, at muli tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!”


Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!


Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.


At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)